Kabanata 47

734 28 0
                                    

Kabanata 47
You won

*Tok-tok!*

Parehas kami napatalon ni Liam, kaya mabilis akong kumalas sa pag kakayakap nya, para pag buksan iyung kumakatok.

“Kazel hija?” Natatarantang bumungad samin si tita Karen.

“May problema po ba?” Tanong ko.

“k-Kase…”

Mabilis lumapit si Liam sa kanyang mama. “Ma, are you okay?”

“Kase, K-Kazel, ang papa mo.”

Nagsimula agad kumalabog ng malakas ang dibdib ko. “Bakit po? Ano pong nanyare kay p-papa?”

“Katatawag lang ni Joy, sinugod daw sa hospital ang papa mo.” Napatunganga lang ako. Parang hindi magawang i-absorb ng utak ko ang mga sinabi ni tita Karen. “Kazel? Naintindihan mo ba ko? Nasa hospital ngayon ang papa mo—”  Nawalan ako bigla ng lakas. Parang yelong nalusaw ang mga tuhod ko. Halos mapaupo ako sa sahig kung hindi lang ako nasalo ni Liam. “Oh my God, hija.”

“Kazel?” Bakas sa tono nila ang pag kataranta at pagaalala.

Mabilis nanggilid ang mga luha ko. “K-Kelangan ko na pong umuwi.” Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako, dahil sa panlalamot ng mga tuhod ko.

“Yes, hija. Bukas na bukas pag medyo maliwanag na luluwas agad tayo pauwi—”

“Kelangan ko na pong umuwi ngayon, gusto ko pong puntahan si papa.”

“Pero Kazel, masyado nang gabi, mahihirapan tayo mag byahe, isa pa tulog na rin ang kapatid mo, luluwas agad tayo pag medyo maliwanag na. Mag pahinga na muna kayo.” Saka ito nag baling ng tingin kay Liam. “Anak, ikaw na bahala kay Kazel.”

“Yes ma.”

“Kelangan kong umuwi ngayon, kelangan kong makita si papa.” Desidido kong wika ng makalabas na ng kwarto si tita Karen.

“Pero Kazel—” Hindi ko na sya pinatapos pa. Agad kong inempake ang mga gamit ko. “Hey Kazel?!”

“Mag ba-bus na lang ako, ikaw na bahalang mag paliwanag sakanila—"

“Akala mo ba hahayaan kitang umalis ng ganitong oras?” Tumaas ang tono nya. Agad kumawala ang luha sa mga mata ko.

“Pero si p-papa, Liam nasa hospital sya. Kelangan ko syang makita. Masama ang kutob ko. Gusto ko syang makita.” Nagsimula na akong humikbi ng mahina.

Lalo akong nanlambot ng maramdaman ko ang pag yakap nya. “Don't worry, he will be fine.”

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. “Si papa, Liam, gusto ko syang makita. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nanyareng hindi maganda sakanya—”

“Sshh…” Agad syang kumalas sa pag yakap sakin. Hinarap ako at pinunasan ang luha sa mata at pisngi ko. “Sasamahan kita kung gusto mo talagang umuwi ngayon.”

Nabuhay ang pag-asa ko sa sinabi nya. “Talaga?"

Tumango sya sakin. “Yes, hindi kita hahayaan umuwi mag isa.”

“Thank you Liam,” Tipid akong ngumiti sakanya. “Aayusin ko lang yung mga gamit natin.”

“Okay.” Tumulong na rin sya sakin sa pagaayos.

Walang kamalay malay sila tita Karen at tito Zheng na nauna na kami ni Liam sa pag-uwi. Nag message ako kay tita Karen pero, I'm sure hindi pa nya yon nababasa dahil tulog pa sila.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon