Kabanata 31
Thank you
Kumunot ang noo ko pagkarating ko sa aming bahay. Bukas itong pintuan pero wala naman sya? Nasa kwarto kaya nya? Nag simula akong nag martsa paakyat sa hagdanan namin. Ngumuso ako ng matanaw ko ang pintuan ng kanyang kwarto na nakabukas. Teka? Umalis ba sya? Tuwing nasa kwarto lang kase sya, lagi lang naka lock ang kanyang pintuan. Kaya bakit naka bukas ngayon? Umalis sya ng hindi man lang isinasara ang pintuan sa salas? Grrr! Nag dahan-dahan ako sa paghakbang papalapit sa kwarto nya at sinubukan sumilip sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko ng matanaw ko syang nakahiga roon sa kanyang kama, habang rinig ko ang malakas at mabilis nyang pag hinga.
“L-Liam?” Nag aalala kong sabi ng makatakbo na ako palapit sakanya. “L-Liam, a-ayos ka lang ba?” Natataranta kong hinipo ang kanyang noo, halos mapaso ako sa init nito. “Oh my—" gosh! Anong gagawin ko? Kinagat ko ang aking labi at mabilis kinuha ang cellphone ko saking bulsa. “Wait lang tatawagan ko sila mama—"
Natigilan ako ng maramdaman ko ang mainit nyang kamay saking braso.
“Don't…”
Mas dumiin ang pagkagat ko saking labi dahil sa sinabi nya. Mukhang ayaw nyang kontakin ko sila tita Karen, dahil ayaw nya itong mag alala at maabala pa. Hindi ko na iyon naisip dahil sa pag kataranta ko.
“P-Pero ang taas ng lagnat mo.”
“Don't, please don’t.”
“Fine, hintayin mo ko kukuha lang ako ng bimbo at alcohol.”
Natigilan ako ng pigilan nya ang braso ko. “Don't leave me.”
“Saglit lang ako, babalik din ako agad.”
Nagmadali na akong umalis. Alcohol, bimpo, maligamgam na tubig. Leche! Masyado akong natataranta, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin. Nursing ang kurso ko pero pag dating sa lagnat ni Liam nagkakaganito ako. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko saka ako dahan-dahan pumasok sa kanyang kwarto. Inilapag ko ang maliit na banyera sa ibabaw ng kanyang lamesa. Binuksan ko ang kanyang cabinet at nag hanap doon ng t-shirt.
“Liam?” Dahan-dahan nyang inimulat ang kanyang mga mata. “Kelangan natin tanggalin yang damit mo para mapunasan ko.”
“Ako na—"
“Ako na! Don't worry, wala lang yan sakin, isa akong future nurse remember?” Wika ko kahit sobrang pinag papawisan na ako ng malamig dito.
Tinulungan ko syang hubarin iyung t-shirt nya lalo akong pinag pawisan ng tumambad na saakin ang kanyang abs! As in, may 6 pack abs talaga sya! What the heck?! Panay na ang pag lunok ko, habang idinadampi ko na ang bimbo sa kanyang katawan. Shit. Parusa ba ito? Feeling ko konti na lang at ako naman ang hihimatayin dito. Natigilan akong saglit at napatitig sa kanyang daliri, habang pinupunasan ko ang kanyang mga kamay. He wear our wedding ring, na hindi naman nya usually isinusuot. Gusto kong mag assume na baka may meaning itong pag susuot nya sa wedding ring namin kahit andito lang sya sa bahay, pero mali. Mali na mag assume ako! Fvck.
Sinapo ko ang kanyang likuran, habang isinuuot sakanya ang bagong t-shirt. Uminit ng husto ang pisngi ko ng marealize ko ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
“M-Mag luluto l-lang ako.” Paalam ko ng matapos ko na syang punasan.
Napasandal ako sa pader na nasa labas ng kanyang kwarto at mabilis dumapo ang kamay ko sakin dibdib. Daig ko pa ang hinahabol ng sampung kabayo dahil sa bilis ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung kelan nag simulang mag bago ang nararamdaman ko para sakanya, basta ang alam ko, tagalang mahal ko na sya. Damn it!
I need to cooked something for him, kaya sinubukan kong mag luto ng lugaw kahit wala naman talaga akong talent sa pag luluto. Inilapag ko ang dala kong lugaw sa kanyang lamesa at hinipo ang kanya noo. Kinagat ko ang labi ko ng maramdaman ko parin ang init nito.
“Liam?” Mahinang tawag ko sakanya na bahagya pang niyugyog ang kanyang braso.
“Ahmm?” Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata.
“Nag luto ako, kumain ka na muna para makainom ka ng gamot.” Tumango sya at pinilit na bumangon kaya tinulugan ko sya. “Ito, nag luto ako ng lugaw—"
“Kaya ko na.” Tinangka nyang agawin ang kutsara sakin.
“Hayaan mo ng gawin ko to,” Medyo tumaas ang tono ko. “Ako ang nurse mo, kaya ako na.”
Lihim akong napangiti ng hayaan nya ko sa aking gusto nanginginig ang mga kamay kong sinusubuan sya.
“Thanks.” Mahinang usal nya, habang malayo ang kanyang tingin.
Tumalon sa tuwa ang puso ko at lalong napangisi sakanya. Hindi ako mapapagod kung ikaw ang aalagaan ko. Nakatulog agad sya pag kainom nya ng gamot. Kumuha ako ng unan sakin kwarto. Dito ako sa couch matutulog para kung sakaling may kailangan sya ay malapit lang ako. Nagising ako ng madaling araw ng marinig ko ang mahinang pag ungol nya. Kumaripas ako ng pag bangon at nilapitan sya.
“Liam—oh my gosh!” Halos mapaso ako sa init ng kanyang balat.
Nabalot ng takot ang dibdib ko, dahil sa malakas at mabilis nyang paghinga. Naginit kaagad ang sulok ng mga mata ko. Sheeet! What to do? Halos mapatili ako sa gulat ng mabilis nyang hilahin ang braso ko palapit sakanya at nang mabilis nya akong yakapin. Seriously, talagang nakakapaso ang init ng balat nya.
“Ang ginaw.” Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa batok ko.
Walang pag aalinlangan ko syang niyakap pabalik. Isang napaka higpit na yakap. Nakakapaso oo, pero kung makakabawas naman ito sa lamig na nararamdaman nya, mas pipiliin ko ng mapaso. Para akong nabunutan ng malaking tinik ng sa wakas ay makatulog narin sya. Halos hindi ako makatulog ng maayos dahil maya't-maya ay gumigising ako para palitan iyong bimpo sa kanyang noo. Nanlaki ang mga mata ko kinabukasan ng mamalayan kong wala na si Liam dito sa kanyang kwarto at ako na itong nakahiga sakanyang kama. Kumaripas ako ng bangon at mabilis syang hinanap sa baba.
“Liam—" Natigilan ako ng madatnan ko syang nasa kusina at may kung anong ginagawa. “Bakit ka andito?” Tanong ko at nilapitan na sya.
“Nag luluto ako ng breakfast—"
“Pero hindi ka pa magaling.”
Hinipo ko ang noo nya para tignan kung mainit pa sya. Nakita ko ang pag pula ng pisngi nya dahil sa ginawa ko, kaya mabilis ko rin itong tinanggal.
“A-Ako nang bahala riyan, pahinga ka na lang.”
“Ahmm, KKazel”
Pumihit ako at nilingon sya. “Bakit?”
Tumingin sya sa kawalan at hinimas-himas ang kanyang batok. Nahihiya ba sya?
“T-Thank you, thank you for caring me, and congrats for the miss Intramural.”
Wha- wait! He did thank to me? And say congrats for wining the title of miss intramural? Seriously? Diba ayaw nya akong sumali doon? Hindi kaya malala na ang kalagayan nya? Inilapag ko yung breakfast namin sa babasaging lamesa rito sa salas, dahil dito sya nakahiga sa sofa. Bahagya kong tinapik ang braso nya at agad naman syang gumising at bumangon.
“Pinauwi ka nila tito Hutian dito?” Panimula nya. Talaga namang kilalang kilala na nya si papa.
“Oo—"
“Kung ganon wala ka pa palang balak talagang umuwi?”
Napanganga ako sa seryoso nyang tono kaya agad akong nag angat ng tingin sakanya, kumalabog ang dibdib ko ng madatnan ko ang deretso nyang tingin sa mga mata ko.
~
To be continue...
Note: Please, don’t forget to vote and comment every chapters. Feel free to comment your question, reaction and suggestion. Thank you ❤
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
