Kabanata 16
Pangako yan
“Kazel?”
Napatalon ako sa gulat. “Ha?”
“Wala pa nga?” Nang uusisa talaga ang tono nya.
”Ha?” Nag sayaw ang mga mata ko.
“Kung wala pa, kilala mo si Reinier yung gwapo natin ka-klase? Saka si... Si Benjie yung matalino natin ka-klase? Parehas nilang hinihingi number mo sakin, mabuti pa mamili ka na sakanila.”
Ewan ko ba, pero naa-awkward talaga ko sa mga sinasabi nya. Sa gilid ng mga mata ko ay ang red ribbon shop.
“Uy, cake!” Pag iiba ko sa usapan.
“Cake?”
“Ahmm, gusto ko ng cake. Tara tingin tayo.” Hinila ko ang braso nya. Mukhang gusto rin naman nya kaya hindi na sya pumalag.
“Alam mo ba nung first monthsary namin ni Xander, cake ang niregalo ko sakanya.” Biglang kwento nya na masayang sinasariwa ang love story nila ng kanyang boyfriend. Mukhang ganoon nya kamahal ang nobyo, dahil lahat ng makita nya ay nagpapaalala rito.
“Bakit cake?”
“Syempre para makakain din ako.” Humalakhak sya ng malakas.
Napangisi ako. Paporito rin namin tatlo ni Kai at Liam ang cake. Naalala ko pa nga noon, umiiyak ako sa tuwing mas malaki yung cake nilang dalawa, kaya naman parehas nila kong hahatian sa cake nila para mas maging malaki na yung cake ko.
“Tuwang tuwa si Xander noon, nung mabasa na nya yung Happy 1st Monthsary sa cake.” Pag papatuloy pa nya.
“Teka! A-Anong date ngayon?” Natanong ko ng wala sa sarili.
“15, bakit—"
“15?!” Shit!
“Oo, bakit?” Nakakunot noo nyang tanong sakin.
“Ha? Eh—"
Ngayon nga pala ang first month ng kasal namin ni Liam. Bumili ako ng cake kahit alam ko na wala naman celebration na magaganap, ni hindi ko nga sigurado kung naalala nya 'to o kung may pake ba sya, basta parang may kung anong nag uutos sakin na bumili ako ng cake.
“Buti pala naalala mong birthday ng pinsan mo no?” Aniya ng mag sinungaling ako na para iyon sa pinsan ko
“O-Oo nga ih.” Hilaw ang ngisi ko.
Ewan ba, pero super excited talaga akong umuwi at kainin ang cake na to kasama sya. Pag uwi ko ay wala akong nadatnan tao sa bahay. 6 pm na pero wala pa sya? Ngumuso ako at dumiretso na sa kusina para ilagay sa refrigerator ang cake na binili ko. Naupo ako sa dinning table at dito nag pangalumbaba. Honestly, gutom na talaga ko, pero ayoko naman kumain ng cake ng mag isa. Hays! Halos mapatalon ako nang biglang mag ring ang cellphone ko, kaya agad agad kong kinuha sa bulsa ko ang aking cellphone at tinignan ito.
Kai is calling....
Napatili ako at napatayo ng makita kung sino yung tumatawag. Shit! Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili saka ko mabilis sinagot ang tawag na iyon.
“H-Hello.”
“Hello?” Aniya galing sa kabilang linya.
Nakagat ko ang loob ng aking pisngi para pigilan ang pagtili. Damn! I missed him.
“Ahmm, b-bakit ka na patawag?”
“Namimiss na kase kita.” Malambing nyang wika na humablos sa dibdib ko at nagpakabog ng mabilis dito.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
