Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 53

892 30 5
                                        

Kabanata 53
Wag kang bibitaw

Pareparehas laglag ang panga namin pag pasok pa lang namin roon sa RMV Bar. Grabe, sobrang daming tao. Halos lahat yata ay schoolmate namin, galing sa iba't-ibang year and courses ay nandito. Nadatnan namin'g nag hihiyawan ang lahat at nag sasaya, habang pinapanood ang kumakantang si Ruwesha Vizconde sa stage.

“In fairness, ang ganda ng boses nya.” Halos pa sigaw iyon sinabi ni Jassy para marinig talaga namin.

Agad hinanap ng paningin ko si Liam. Kuminang ang mga mata ko ng makita ko sya sa isang VIP table kasama ng iba pang U-Prince. Medyo madilim sito pero talagang kita ko parin ang kagwapuhan ng asawa ko.

“Ang daming tao, mukhang wala ng bakanteng table rito.” Wika ni Lujille na panay ang linga.

“Oo nga, eh—”

“Uy, classmates?”

Sabay-sabay kami nagulat sa biglang pag sulpot ni Angelo at Ivan na ka-klase namin.

“Andito rin pala kayo?” Si Ivan na malaki ang ngisi.

“Oo, kararating lang namin.” Sagot ni Lujille.

“Kayo lang ba o may hinihintay pa kayong iba?” Si Angelo.

“Wala na, kaming tatlo lang. Actually, nag hahanap lang kami ng table—”

“Ganon ba? Edi kung gusto nyo mag join na lang kayo sa table namin.”

“Pwede ba?” Sabay na tanong nitong dalawa kasama ko.

“Oo naman, mag kaka-klase naman tayo, at saka mas masaya kung may babae naman kaming kasama.”

“Wag na.” Bulong ko sa dalawa pero talagang inisnob lang nila ko.

“San ba yung table nyo?”

“Doon..” Si Ivan sabay turo sa table kung saan nakaupo sila Jazz.

No way!

“Oh my gosh! Tara na. Malapit lang pala sa table ng mga U-Prince.”

Agad kong hinila ang braso nila pabalik.

“Sa iba na lang tayo!” Giit ko.

“Tayo na nga lang makikiupo choosey ka pa?” Tumaas ang kilay ni Lujille sakin. “Kung ayaw mo dun dahil naiinis ka parin kay Jazz. Naku teh! Move on na!”

“Oo nga naman, umaatake na naman ang pagiging anti-social mo,” Pag sang-ayon pa nitong isa. “Saka choosy paba tayo? Ayon, oh? Sobrang lapit na nga natin sa table ng U-Prince.”

Yun na nga, eh! Yun na nga ang dahilan.

“Eh, basta sa iba na lang—”

“Sa iba? Meron ka pa bang nakikitang bakanteng table? Come on Kazel.”

Napairap na lang ako sa kawalan. Kainis naman kase! Wala na kong nagawa dahil hinila na nilang dalawa ang tigisang kamay ko. Kuminang ang mga mata ni Jazz ng makalapit na kami sa table nila. Nakakita na naman kase sya ng aasarin nya. Bwesit!

“Guys, makiki-join sila satin.” Paalam ni Ivan.

“Sure.”

Napangiwi ako sa maala demonyong ngisi ni Jazz. Leche! Lagot ako nito kay Liam mamaya.

“Kazel maupo ka na.” Bulong ni Jassy sakin.

Siniko ko sya. “Ikaw na mauna.”

Ayoko ngang makatabi itong si Jazz. Sya kase yung nakaupo sa tabi ng bakanteng space rito sa pa u-shape na couch.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon