Kabanata 39
Confession“Ang laki yata ng dala mong bag? Dito ka ba matutulog? Nag away ba kayo ni Liam?”
Halos masamid ako, dahil sa pag usisa ni papa. “Naku, papa hindi po, actually andito rin po ako para sana humingi ng pabor kay tita Joy.” Nahihiya kong sabi.
“Sakin?” Si tita Joy na dinuro pa ang kanyang sarili. “Bakit hija? Ano yon?”
“Hindi naman po ganon kaseryoso. Ahmm, kase po... Mamaya na po kase yung student's night namin.”
Kuminang ang nga mata ni tita Joy. Halatang excited. “Talaga? Kung ganon ako mag aayos sayo, ha?”
“Yes naman po.”
“Susunduin ka ba ni Liam?”
Pinag pawisan ako ng malamig dahil sa tanong ni papa. “Ahmm. S-Sinabi ko po, kase kay Liam na wag na nya akong sunduin dito.”
“Ano? Bakit naman?”
“G-Gusto ko po sana na kayo ang mag hatid sakin, kung kaya nyo po?”
Hindi naman ako nag sisinungaling talagang gusto ko rin naman ihatid ako nila papa.
“Okay, kung yan ang gusto mo.”
Napangisi ako sa sinabi ni papa.
“Thank you po.”
5 pm ng simulan akong ayusan ni tita Joy.
“Anong kulay yung dress na isusuot mo?”
“Black po yung napili ko.”
“Oh, nice choice. So elegant,” Papuri nya. “Medyo dark ang make up na gagawin ko sayo, para terno sa dress mo at para kahit madilim lumulutang parin ang ganda mo.
“
Napangiti ako. “Okay po.”
May tiwala naman ako kay tita Joy, dahil dati syang make up artist sa Dubai. Dati ay balak din nila ni papa na mag tayo ng business na salon pero hindi yon natuloy dahil nga nagastos yung pera dahil sa sakit ni papa.
“Wow! You're so pretty, Kazel.”
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Napangiti ako ng makita ang medyo dark, pero elegante kong make up at ang buhok kong may malalaking kulot, ang chic teal black dress ko at ang black pointed hills ko na may 3 inches ang taas. Hindi ko mapigilan mapamangha sa galing ni tita Joy sa pag aayos sakin. Totoo yung sinabi nya kanina, talagang nag mukha akong elegante ngayon.
“Thank you po.”
“You're welcome.” Sinseryo syang ngumuti sakin.
“Tara ipakita natin sa papa mo itong ayos mo.” Naghalong excited at kaba ang naramdaman ko, nang hilahin ako ni tita Joy palapit kay papa.
“Hon, tapos na kami, tignan mo itong si Kazel.”
Kabado akong napangiti ng pasadahan ako ng tingin ni papa. “May kulang pa.”
“What do you mean hon? Don't tell me may alam ka na ngayon sa pag ma-make up?” Biro nito kay papa.
“It's not what I mean, eto yung sinasabi kong kulang.”
My lips was parted, when he gave me a red elegant box.
“A-Ano po to?”
“Open it.”
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Novela Juvenil"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...