Kabanata 44
Honeymoon
Panay ang biling ko nang makahiga na ako sakin kama.
“—so, now let your hand off from my wife.”
“—so, now let your hand off from my wife.”
“—so, now let your hand off from my wife.”
“—so, now let your hand off from my wife.”
“—so, now let your hand off from my wife.”
WHAT THE FVCK! Seriously, buong mag damag paulit-ulit sa pandinig ko yung sinabi nyang yon. Hindi ko alam kung paano ko pa sya magagawang harapan ngayon. Shit!
Kumalabog agad sa kaba ang dibdib ko, kinabukasan ng makasalubong ko sya sa hagdanan namin, pababa ako, habang sya ay paakyat naman. Nakita ko rin ang pag pula ng pisngi nya. Alam ko na nahihiya sya ngayon dahil sa mga nasabi nya kahapon kaya hindi ko na yon ipapaalala pa sakanya. Nag simula na akong mag martsa para lagpasan sya.
“Wait…” Usal nya kaya natigilan ako, nilingon ko agad sya.
“Bakit?” Itinago ko ang kaba at pinilit umarte ng normal sa harapan nya.
“In-invite tayo ni mama sa restaurant nila for lunch, may bagong menu kase silang ilalabas.”
Ang talented talaga nya pag dating sa pagiging chill lang.
“Okay, m-mag aayos na rin ako.”
10:30 am na kase kaya sakto lang para gumayak. Uminit ang pisngi ko ng pasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko, habang pababa ako sa hagdanan.
“What?” Kabado kong tanong
“Yan talaga ang isusuot mo papunta roon?”
Lalong uminit ang pisngi ko at pasimple sinilayan ang damit na suot ko.
“O-Oo naman.” Shit! Ewan ba pero kinabahan talaga ko. “Tara na?” Usal ko at nauna na palabas.
“Mauna ka na sa kotse, may kukunin lang ako sa taas.”
“Okay.”
Ngumuso ako at muling sinulyapan ang suot ko. Ayos naman tong suot ko, ah? Wala lang talaga syang alam sa fashion. Manong!
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyon tinignan.
Kai: asan na kayo? Pupunta ba kayo sa lunch?
Agad ko naman syang nireplyan.
Ako: Oo, Kai, papunta na kami ngayon.
Kai: Mabuti naman, kararating ko lang din dito. Ingat kayo, miss na kita.
Imbis na kilig ay kirot ang dinulot nung message nya sa puso ko. Bakit ganon?
“M-Miss na k-kita.” Bakit parang ang hirap nang sabihin ito ngayon sakanya? "I m-miss you—ay kabayo!” Napatalon ako, sa biglang pag bukas ng pintuan sa driver's seat.
“Sinong miss mo?” Usisa nya.
Pinag pawisan ako ng malamig. Narinig pala nya ko? Shit!
“W-Wala, kinakabisado ko lang y-yung…yung lines ko sa dula-dulaan namin.” pagsisinungaling ko.
“Kelangan pa bang kabisaduhin non? Eh ang dali lang naman.” Isinuot na nya ang kanyang seat belt.
“Ang hirap kaya!” Napairap ako sakawalan.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...