Kabanata 36
So, heartless
“Sa k-kwarto mo?” Kabado kong tanong. “Bakit?!”
“Hey! It's not what you think,” Nahihiya nyang hinimas ang kanyang batok. “S-Sa kwarto ko ikaw matutulog, at kami ni kuya ang matutulog sa kwarto nya.” Paliwanag nya.
Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok at napapahiyang nag iwas ng tingin.”O-Okay.”
15 minutes na yata yung lumipas, pero hindi parin nakakabalik si Liam. Kainis! Mukhang masyado nilang na miss yung isa't-isa, ah! Panay na ang higab ko, dahil medyo antok na ko, 4 am na yata kaya ganito na feeling ko. Kumalabog bigla ang dibdib ko ng biglang isandal ni Kai ang ulo ko sakanyang balikat.
“What are you doing?”
Sinubukan kong tanggalin iyong ulo ko sa balikat nya pero hindi nya ko hinayaang mag tagumpay.
“Please Kazel, kahit sandali lang.”
Parang yelong nalusaw ang puso ko. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sakanya. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hinayaan kong humantong sa puntong mawala yung feelings ko para sakanya ng hindi ko man lang namamalayan. Sa dinamirami ng ginawa nya para sakin, mukhang ito lang ang pwede kong ibalik na kabayaran sakanya. Pumikit ako at hinayaan na lang sya sa kanyang gusto.
“Kairon!”
Napadilat ako ng maramdaman kong may humawak ng mahigpit sa braso ko. Agad bumungad sakin ang galit na ekspresyon ni Liam. Anong nanyayare?!
“Ihahatid na kita sa kwarto.”
Marahan nyang hinila ang braso ko, kaya awtomatiko akong napatayo. Nilingon ko si Kai na nakatungo lang at walang imik. Medyo na guguluhan ako. Ano ba talagang nanyayare rito? Bakit parang galit itong si Liam?
“K-Kai?” Nasabi ko ng wala sa sarili.
“Let's go Kazel.” Narinig kong sabi ni Liam at tuluyan na akong hinila palayo roon.
Walang imik si Liam ng makarating na kami roon sa kwarto nya. Pinanuod ko sya, habang iniaayos nya ang kanyang kama. Galit talaga sya. Bakit kaya? Hindi kaya, dahil sa pwesto namin ni Kai kanina?!
“Matulog ka na dito, roon na ko sa salas matutulog.” Pumihit sya para talikuran ako.
Ewan, pero parang nagkaroon ng sariling buhay itong kamay ko kaya mabilis itong napahawak sa braso nya para pigilan sya.
“It's not what you think, wala kaming ginagawang masama ni Kai.” Paliwanag ko, kahit hindi ako sigurado kung interesado ba sya.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng guilty ngayon, pakiramdam ko para akong babaeng nahuli ng kanyang asawa na may ibang kalaguyo. Fvck!
“I know, you don't have to explain.” Walang ekspresyon nyang wika at mabilis binawi ang kanyang kamay.
“Pero asawa mo ko.” Kaya bakit ka umaarte ngayon na parang wala kang pakialam?! Shit! Lasing na nga ako, kung ano-ano na nasasabi ko.
“Yes, I am, but you don't have any responsibility as my wife.” Tugon nya na sumaksak sa puso ko.
Mag iisang taon na kaming kasal, nagbago na rin ang feelings ko para sakanya, pero sya ayon, ganon parin pala ang tingin nya sakin.
“Alam kong gusto mo si Kai at ganon din sya sayo, so feel free, hindi ko kayo pakikialaman—"
“Yan ba talaga ang akala mo?”
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...