Kabanata 35

689 24 0
                                    

Kabanata 35
Answer it

 

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Sobrang busy ng lahat, dahil bukas ay Chinese New year na.

“Yung tikoy? Nasan yung tikoy?”

Napangisi si Liam at napailing dahil sa pagkataranta ng kanyang mama.

“Wala pang nabibiling tikoy ma.” Natatawang nyang sagot.

“Ano?! Naku, hindi pwede yan, magagalit ang papa mo!” Naka pamaywang na sabi ni tita Karen. “Mabuti pa at saglitin nyo ni Kazel yung tikoy sa groceries.”

Nag katinginan kami ni Liam. Kung pupunta kami ng mag kasama, hindi imposible na may makakita samin na taga CSU!

“Pero ma—"

“Ako na lang po sasama kay Kazel.” Presinta ni Kai na kabababa lang galing sa kanyang kwarto.

“Sige nga anak, mag punta na kayo ni Kazel.”

Nakita ko ang biglang pagbabago sa ekspresyon ni Liam. Gusto ko sana isipin na baka nag seselos sya kaso napaka imposible naman yata non.

“Ano ningingiti-ngiti mo dyan?” Tanong ko sa kanina pang nakangising si Kai.

“Masaya lang ako at na solo kita ngayon.” Malambing nyang sabi.

Kinurot bigla ang puso ko at napatulala sakanya, hindi ko maiwasan maguilty dahil tulad ng sinabi nya noon sakin, mukhang desidido parin sya na hintayin ako, samantalang ako, eto nahulog na sa iba. Shit! Bakit ko hinayaan ma fall out sakanya at mahulog kay Liam?

“You okay?”

Napatalon ako sa gulat “Ha? O-Oo, oo naman.” I looked away.

Kainis! Ang guilty ko na naman.

“Tara don tayo.”

Nambilog ang mga mata ko ng hawakan nyang bigla ang kamay ko.

“Why?” Tanong nya ng bigla ko naman bawiin ito sakanya.

“W-Wala, nagulat lang ako.” Mapakla akong napangiti.

Baliw na yata talaga ko, kase ibang-iba talaga yung naging reaksyon ko nung araw na hawakan ni Liam yung kamay ko sa loob ng sinehan. Damn it!

“Ayon yung tikoy.” Turo nya.

Sabay kami nag martsa palapit doon.

“Ilan kukunin ko?” Tanong ko.

“Isa lang siguro—"

“Dalawa na.”

Nangibabaw ang pamilyar na boses, kaya sabay namin nilingon ni Kai iyong pinag galingan ng boses. Agad kong naaninaw ang nakangising mukha ni Liam.

“Kuya?” Tunog disappointed si Kai.

“Buti at naabutan ko pa kayo.”

“Anong ginagawa mo rito?” Kinagat ko ang labi ko para maitago ang pag ngiti.

He looked away.

“I-Inutusan ako ni mama na…na bumili ng m-mantika.”

Kumunot ang noo ko. Inutusan sya? Bakit hindi na lang nya kami ni-text o tinawagan para ipabili yon samin? Bakit kelangan pa nyang sumunod dito? Kanina lang tamad na tamad sya, ah? Tse!

“Let's go?” Aya ni Liam ng makabayad na kami sa counter.

Nag katingin kami ni Kai bago sinundan ng tingin ang nauuna sa paglalakad na si Liam. Wala na ba talaga syang pakialam ngayon kung may makakita man samin na mag kasama?

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon