Kabanata 28

662 24 2
                                    

Kabanata 28
Congrats, Kazel

 

“Good morning class.”

“Good morning, ma'am.” Tugon namin kay Mrs. Castillo na adviser namin.

“Well, today I have an special announcement,” Gumala sa buong classroom ang kanyang mga paningin . “Within this month, ay magaganap na ang intramural ng ating university, kompleto na yung mga players natin sa mga sports, so, isa na lang ang representative na kulang satin, yung magiging next miss nursing na magiging representive natin si miss intramural.”

Umalingawngaw ang bulungan sa buong classroom.

“Napag meetingan namin na each section, kelangan ng representative na sasali sa screening bukas.”

“Bukas na po agad yung screening?” Tanong ng kung sino.

“Yes, bukas na, at bukas na rin agad pipili ang faculty kung sino ang magiging representative para sa miss intramural, madalian na ito dahil ang B.S nursing na lang ang wala pang representative.”

Lalong lumakas ang bulungan, habang ako eto nakapangalumbaba at naghihintay na matapos ang usapan.

“So, sino naman kaya yung pwedeng maging representative ng klase ko?”

Naningkit ang mga mata ni mrs. Castillo at muling iniikot ang kanyang tingin.

“Kung ikaw na lang kaya Kazel?” Bulong ni Jassy sa tabi ko.

Mariin kong kinagat ang aking labi at nag umiling sakanya.

“Diba, sumasali ka rin dati sa mga pageant—"

Mabilis lumipad ang palad ko sa madaldal na bibig ni Lujille na nakaupo naman sa kabilang side ko.

“Miss Yu, miss Madayag? Anong kaguluhan yan?” Suway ni mrs Castillo sa amin.

“W-Wala po.” Dahan-dahang kong tinanggal ang kamay ko sakanyang bibig at napatungo.

“Ma'am si Kazel na lang daw po ang isali natin, batak na'to sa mga pageant.”

Nasapo ko ang sariling noo, dahil sa sinabi ni Dan na isa sa mga papansin kong ka-klase. Bwesit!

“Miss Yu?”

“Po?” Umayos ako sa pagkakaupo.

“Totoo bang nag papageant ka na rati?”

Pinag pawisan ako ng malamig ng mag baling silang lahat ng tingin samin.

“Ahmm—"

“Opo ma'am, nakita ko sa facebook yung mga picture nya.”

Literal na nalaglag ang panga ko sa muling banat ni Dan.

“So, stalker ka pala ni Kazel?" Humalakhak si Jassy.

“Ayiiieeee!”

Uminit ng husto ang pinsgi ko sa higawan ng mga ka-klase ko. Leche! Mabuti na lang pala at nai-private ko na sa facebook account ko iyong mga family pictures namin na kasama si Liam maging yung mga pictures na nakatag sakin nung kasal namin.

“Tahimik!" Sigaw ng aming ni Mrs. Castillo. “Kung ganon, okay lang ba sayo miss Yu na maging representative ng section natin?”

“Pero ma’am—"

“Oo nga Kazel, ikaw na ang lumaban.”

“Oo nga, I'm sure mananalo ka sa ron.”

“Tama, susuportahan ka namin.”

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon