Kabanata 17
Siopao
“KAZEL FEI!”
Nagising ako sa ulirat ng marinig ang sigaw na yon ni Liam. Kaya halos takbuhin ko ang distansyang na mamagitan samin dalawa.
“Ang bagal mong mag lakad. Akala ko na kidnap ka na ron.”
Feeling ko joke yon. Joke na corny kaya hindi ako natawa.
“Eh, Si Kai kase—"
“Do you like him?”
Napahinto ako at literal na napanganga sa naging tanong nya. Seryoso ang mukha at tono nya kaya paniguradong may nalalaman sya. Hindi ko alam na ganon pala ako ka-obvious?
“B-Bakit mo natanong?”
“Kahit sinong babae naman siguro ma-iinlove sa lalaking handa syang pakasalanan, diba?” Napangiwi sya.
Alam mo naman pala, nag tatanong ka pa.
“Siguro.” Nag kibit balikat ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba yon ipaalam sakanya.
“So, ano? Napag planuhan nyo na ba yung wedding nyo pag nag divorce na tayo?”
Wala naman nakakainis sa tanong nya pero nainis ako. Siguro dahil sa tono nya.
“At bakit ko naman sasabihin sayo kung may napag usapan nga kami?” Pag tataas ko ng kilay sakanya.
“Dahil ako ang kuya nyo, at ako ang kauna-unahang taong magbibigay ng suporta sainyo.”
“Sus. Bakit ba iniintriga mo ko? Eh, kayo ba ng girlfriend mo kamusta na?” Napalunok ako dahil sa biglang pag babago ng maaliwalas nyang ekspresyon. “Oh, bakit? LQ ulit kayo?” Ako naman ang ng intriga sakanya.
“H-Hindi. Wala to.”
Kinagat ko ang labi ko at tumigil na sa pag usisa, baka uminit pa ulo nya sakin.
“May cake rito baka gusto mong kumain?” Tanong ko ng makapasok na kami sa apartment.
“Hindi na, busog pa ko.”
Hala. Anong nanyare sakanya? Bakit bigla na lang syang na bad mood?
“Sige na, kahit konti lang.” Pagpupumilit ko.
“Bukas na lang—"
“Sige na. Kahit onti lang.” Hinila ko ang braso nya. “Kukuhanan kita—"
“Sinabi ng bukas na lang, ang kulit mo naman!”
Nagulat ako at namutla, dahil sa biglang nyang pagtataas ng tono.
“Okay…Sorry.” Napapahiya kong usal.
Bumuntong hininga sya. “No. I'm sorry.”
“O-Okay lang. M-Matutulog na rin ako.” Pinilit kong ngumiti sakanya pero hilaw na ngiti lang ang naibigay ko.
“Okay, goodnight.”
“Goodnight.”
Pag kasabi nyang yon ay mabilis na akong nag martsa paakyat sa hagdanan. Hay! Bakit ba kase ang kulit kong masyado? Kainis!
Nakailan biling at ikot nako rito sa kama. 30 minutes na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Mabilis akong napabangon nang may marinig na malakas na katok sa pintuan ng aking kwarto. Bakit kaya? Ano naman kayang kelangan nya sa ganitong oras? Dalidali kong binuksan ang pintuan bago pa nya maisip na tulog na ako.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...