Kabanata 20

752 21 0
                                    

Kabanata 20
Model

“Salamat po sa pag hatid.” Sabi ko ng makarating na kami sa bahay.

“Ingat po kayo pa.” Si Liam bago humakbang palapit sa gate.

Kinagat ko nag labi ko ng mapansin ko ang tahimik lang na si Kai.

“Bye Kai.” Kumaway ako ng sa wakas ay lingunin na nya ako.

Nilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng bahay namin. Grabe! Ang linis ngayon dito, ah? Mukhang sa pag lilinis pala sya naging busy kanina? Kinagat ko ang labi ko, para pigilan ang pag ngiti.

“Gusto mo ba nitong chinese black noodles o kaya nitong carbonara? Ipag iinit kita.” Sabi ko, habang isa-isa kong inilalabas ang mga tupperware sa paper bag.

“Wag na ako na lang.” Humakbang sya palapit sakin

“Okay lang ako na, tutal ikaw naman yung nag linis nitong bahay.” Ngumisi ako sakanya.

Nag buntong hininga sya at hinayaan na lang akong mag prepare ng dinner nya.

“Sa t-tingin mo ba? O-Okay lang si Kai?” Tanong ko, habang pinapanood ko sya sa pag kain. Nag kibit balikat sya sakin.

“Sana..”

“Eh, kayo? Okay lang ba kayo?”

Napansin kong medyo natigilan sya sa tanong ko. Damn my stupid mouth!

“Ahmm. Don't mind my question. Syempre naman okay kayo, diba?” Hilaw ang ngiti ko.

“Actually, hindi ko talaga alam kung okay lang ba talaga kami.” Bakas ang lungkot sa tono nya.

“W-What do you mean?” Ang awkward na talaga. Shit!

Tumindig ang balahibo ko ng ngumisi sya at deretso akong tinignan sa mga mata.

“Mga bata pa lang tayo alam ko na nagusto ka talaga ng kapatid ko.”

Literal na nalaglag ang panga ko. Oo, ilan beses nang sinabi ni Kai sakin na hihintayin nya ko, pero honestly, never nyang sinabi sakin ng deretso na gusto nya ko. Hindi ako umimik at hinintay lang ang susunod pa nyang sasabihin.

“Kaya, hindi ko maiwasang ma guilty ngayon sakanya.”

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya. Ano naman kayang ibig sabihin nya sa 'na gu-guilty sya kay Kai?' gusto kong malaman pero hindi ko magawang mag tanong, hindi ko makapa ang mga salitang gusto kong sabihin. Kaya mariin ko na lang iniyukom ang bibig ko.

“Di ka pa ba inaanktok?” Pag iiba nya ng usapan.

“Ahmm, medyo lang.”

“Mabuti pa mag pahinga ka na.”

“Osige, goodnight.”

Maaga akong gumising ng sumunod na araw. Na ka-schedule kase ako na mag laba ngayon.

“Gising ka na pala.” Sabi ko ng makababa na si Liam mula sa kanyang kwarto

“Nag luluto ka?”

“Ah, o-oo. Nag salang kase ko ng labahin sa washing machine kaya ngayon lang ako nag sisimulang mag luto.” Paliwanag ko.

“Ako na dyan.” Sabay agaw nya ng sandok sa kamay ko.

“Kaya ko na to, Prito lang naman yan.” Sabi ko dahil pritong itlog at ham lang naman ang niluluto ko.

“Naglalaba ka, diba? Kaya ako na rito, dapat lang na tulong tayo sa mga gawaing bahay.” Seryoso nyang sabi, habang naka focus na sya sa pag luluto.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon