Kabanata 38

656 28 1
                                    

Kabanata 38
Anak

Walang ibang pumapasok ngayon sa isip ko kundi sana, sana lang talaga ay matapos na ang eksenang ito.

“By the way, baka gusto nyo rin sumama manuod ng cine?” Alok ni Luisa samin.

“Wag na, may pupuntahan pa kase kami ni Kai.” Pagdadahilan ko.

“Oo nga, you should enjoy yourselves,” Nilingon ko si Kai na agad naman sumakay sa pag sisinungaling ko. “Saka gusto ko rin naman masolo itong si Kazel.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Kairon. Dapat ay kiligin ako, pero guilty ang nararamdaman ko ngayon.

“Oh, so sweet.”

Nilingon ko si Luisa na malaki ang ngiti at si Liam na deretso lang ang tingin sa kanyang baso gamit ang seryoso nyang ekspresyon.

“Pano? Mauna na kami,” Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ni Kai ang kamay ko. “Enjoy nyo yung date nyo.”

“Kayo rin.” Sagot ni Luisa kay Kai.

“Sige una na kami.” Mapait akong napangiti , bago kami tuluyang mag martsa palayo sakanila.

Para akong nabunutan ng malaking tinik ng tuluyan na kaming makalayo roon.

“Super tense?” Ngumisi si Kai sakin.

“Super!” Sagot ko at ngumisi rin ako sakanya.

“Wag mo na silang isipin, moment na natin ‘to.”

Naramdaman kong mas humigpit iyong hawak nya sa kamay ko. Siguro nga kaya lang ako nahulog kay Liam ay dahil sya yung araw-araw kong nakikita at nakakasama. Kaya sigurado ko na kung bibigyan ko rin ng chance magkaroon ng moment ang sarili ko kasama si Kai ay babalik din iyong feelings ko para sakanya.

“Thank you, nag enjoy ako.” Wika ko ng maihatid na nya ako sa bahay namin ni Liam.

“Nag enjoy din ako, salamat at pumayag kang idate kita.” Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malambot nyang labi sakin pisngi. “I love you, Kazel.” Bulong nya sa tenga ko na nag patindig sa aking balahibo.

“K-Kai.” Yan lang ang tanging nasabi ko. Kasabay ng pag init ng mga mata ko. Natatakot akong masaktan ko sya

“Sige na, pumasok ka na sa loob at mag pahinga.”

“I-Ingat ka.”

Ngumiti sya at kumaway sakin, bago tuluyang nag martsa palayo. Mabilis dumapo ang palad ko sakin pisngi. Sana sya na lang, sana si Kairon na lang ulit. Kinusot ko ang aking mga mata at huminga ng malalim bago nilandas ang daan papasok ng aming bahay. Nagulat ako pag bukas ng pintuan ng madatnan kong nakaupo roon sa sofa si Liam, habang deretso ang tingin nya sa Tv na nakapatay naman.

“Anong ginagawa mo di—" to? Natigilan ako ng bigla syang tumayo.

“Buti at naka uwi ka na,” Hindi man lang nya ako tinignan. “Mag pahinga ka na.” Tamad nyang sabi bago sya tuluyang mag martsa paalis.

Sinundan ko ng tingin ang pag martsa nya paakyat sa hagdaan. Ano kayang problema nya? Nag away kaya sila ni Luisa, kaya sobrang tamlay nya? Huminga ako ng malalim at nag tungo sa kusina para uminom ng tubig. Napaawang ang bibig ko ng may mapansin ako roon sa basurahan.

“Bakit may bulaklak dito?”

Ano ba talagang nanyare? Bakit sya nag tapon ng bouquet ng red rose rito sa basurahan? Nag away ba sila ni Luisa?

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon