Kabanata 30

744 24 1
                                    

Kabanata 30
Your Promise

“Okay, let's go.”

“Ako na pong mag da-drive.” Presinta ni Liam.

Mukhang may ideya sya na si tita Joy ang nag drive kanina, dahil hindi na kakayanin pa ni papa mag drive. Naupo ako sa front seat, si papa, tita Joy at Johan sa passenger seat, habang si tito Zheng, tita Karen at Kai ay nasa sariling kotse nila.

“Congratulations Kazel.” Anila bago kami mag simulang sa pagkain.

“Xíè xìé.” Pasasalamat ko.

Ang saya, sobrang saya ko, hindi dahil sa nanalo ako kundi dahil kasama ko silang lahat ngayon.

“Diba may program pa yung school nyo ngayon hapon?” Tanong ni Kai na nasa tapat ko.

Tumango ako. “Oo may mga performances pa saka fire works display mamayang gabi.”

“Pwede naman siguro tayong manuod don?”

Sa gilid ng mga mata ko ay ang pag angat ng tingin ni Liam kay Kai.

“O-Oo, oo naman.”

“Ikaw kuya? Pwede ka?”

Kinabahan ako sa tanong ni Kai.

“Hindi ako pwede, mamaya kase kasama ko yung mga U-Prince.”

Bumagsak ang balikat ko. Ano pa nga bang inaasahan ko? Saka bakit ako nalulungkot na hindi sya makakasama?

Nag mamadaling umalis si Liam matapos namin mag lunch. Syempre, malamang ay dinahilan lang nya yung mga U-Prince, feeling ko si Luisa naman talaga ang dahilan ng pag alis nya. Tss!

“Ma, pa, sasama po ako kay Kazel sa school nila para manuod ng program.” Paalam ni Kai.

“Okay, mag iingat kayo, wag mag papagabi masyado.” Bilin ni tito Zheng.

“Yes pa.”

Excited ako, dahil kasama ko ngayon si Kai dito sa campus namin at sa mismong intrams pa namin.

“Hi, Kazel congrats!”

Puro yan ang naririnig ko sa mga ka-klase ko noong first sem na dati ay mga hindi naman ako pinapansin.

“Aba, ang famous mo pala rito, ah?”

Pang aasar ni Kai sakin, habang nakatayo kami sa gymnasium at nakikinig sa isang singing performance.

“Hindi no! Ngayon nga lang ako pinansin ng mga yon.”

Ngumisi sya sakin. “Kung ganon, simula ngayon magiging famous ka na.”

Umangat ang gilid ng labi ko. “Kahit hindi na no.”

Humalakhak kaming dalawa. 6 pm na kaya nag tungo na kami sa grandstand para roon abangan ang fire works display. Ang daming tao, at sobrang awkward dahil halos lahat sila ay pinagtitinginan kami. Hindi ko alam kung dahil sa make up ko, o dahil sa pag kapanalo ko kanina, o baka naman dahil sa gwapo kong kasama? Malamang yung pangatlo talaga ang dahilan.

Dumarami lalo ang tao, habang papadilim ang paligid. Napanganga ako ng mag simula na ang fire works display. Gosh! Super ganda! This is so, romantic. Me with someone I love, watching this beautiful fire works? That was so perfect.

Pumihit ako para lingunin sana si Kai sa tabi ko pero shit! Agad nahagip ng mga mata ko si Liam sa ibaba ng grandstand. Seriously, sa liit ng mga mata ko at sa dilim nitong lugar talagang nahagip pa sya ng mga mata ko? Agad ko sya hinanap ng tingin. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang mag tagpo ang mga tingin namin dalawa. Nag liliwanag ang fire works kaya kitang-kita ko ang pag titig nya sa gawi namin, gamit ang seryoso nyang ekspresyon. As in, for the first time, nakaramdam ako ng kakaibang bilis ng pag kabog ng dibdib ko, sa sobrang bilis nito para akong hinahabol ng sampung kabayo. Hindi ko ma-explain, kung ano ba yung mga insektong nag wawala sa loob ng tiyan ko. Fvck! Bakit ganon? Diba si Kai ang gusto ko? Dapat sakanya ko 'to nararamdaman hindi kay Liam.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon