Kabanata 24
Hindi na mauulit
Nagulat ako pag sakay ko ng jeep kinahapunan ng mapagtanto kong naroon din pala sa jeep na yon si Liam. Bababa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil may sa mga kasunod ko na sasakay din ng jeep. Naupo ako tatlong tao ang pagitan namin dalawa.
“Pa—"
“Para po!” Sigaw nya.
Huminto yung jeep nauna ako sa pagbaba dahil ako itong mas malapit sa pintuan. Para akong zombie'ng nag martsa, ang awkward dahil alam kong nasa likuran ko lang sya at kasunod ko sa paglalakad. Pinigil ko ang pag hinga ng maramdaman ko ang pag sabay nya sakin. Tumindig ang balahibo ko sa batok ng bigla nyang hawiin ang buhok kong nakaharang saking noo.
“Kamusta yang sugat mo?” Tanong nya.
Parehas kaming napahinto sa paglalakad. Deretso ang tingin nya sa band aid na nasa noo ko. Uminit ang pisngi ko ng marealize ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa kaya bahagya akong napa atras.
“O-Okay na.”
“Mabuti naman.” Nagpauna na sya sa paglalakad.
What's wrong with him? What's wrong with me? Ngayon araw dalawang beses nya akong nilapitan sa public place, at dalawang beses din ako nakaramdam ng kakaiba.
“Ano yan?”
Hindi ko alam kung bakit ko naitanong yon kahit obvious naman na jersey yon.
“Ah, lalaban ko, kelangan ko ito sa isang araw para sa game namin.”
“Game?”
“Oo, friendly game ng mga U-Prince.”
“Talaga?” Bigla akong nakaramdam ng excitement.
“Oo, isang private game.”
Nabura kaagad ang excitement sa dibdib ko. Syempre malamang hindi ako pwede ron.
“Ako nang maglalaba nyan.” Presinta ko
“Hindi na, ako na.”
“Ako na.” Pagpupumilit ko kaya wala ba syang nagawa.
Gusto ko syang mapanood maglaro tulad ng dati, pero pano? Hindi ko na iyon pwedeng gawin ngayon. Hays! Ako ang naglaba at sya naman itong nagluto. Talaga naman nagagamit nya rito ang pagiging HRM student nya.
“Gusto mong manuod ng movie?” Aya nya ng matapos na kami sa pagkain.
Lumaki ang ngiti ko at tumango sakanya. Naupo ako sa sofa at ipinlay na nya ang action movie na napili namin. Pinigil ko ang pag hinga sa kalagitnaan ng Movie dahil sa awkward nitong eksena. Napako ako sa kinauupuan ko, habang pinapanood ang isang babae at lalake na nag hahalikan.
“Liam—Kazel—“ Sabay namin bigkas na lalong nagpa-awakward sa eksena!
Uminit ng husto ang pisngi ko ng magtama ang mga mata namin, habang dinig na dinig namin ang pag ungol sa TV.
What the fvck!
“G-Gusto mo, i-ibang movie na lang panoorin natin?” Kitang-kita ko ang pagkapahiya sa mukha nya. Pulang-pula ang tenga nya.
“Ha? H-Hindi na.” Nag hikab ako Kunware. “A-Antok na rin naman ako.”
“Ganon ba? Sige tulog ka na.”
Tumango ako at mabilis tumayo.
“Good night!” Wika ko na mabilis syang tinalikuran.
SHIT! Sinapo ko ang aking dibdib. Bakit ba kase may ganoon eksena sa action movie na yon? Kainis!
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
