Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 2

912 36 0
                                        

Kabanata 2
Girlfriend ni Liam

Tatlong buwan ang nakalipas. Napapansin ko na lagi na lang may ka-text itong si kuya Liam.

"Sino na naman yang katext mo?" Tanong ko, habang sinusubukang silipin iyong screen ng kanyang cellphone.

Natataranta naman nya itong itinago. "W-Wala!"

"Talaga?" Weh? Eh, bakit kabado ka?

"Oo, nga pala baka hindi ako makasabay kumain sainyo ni Kai ngayon, ha?"

At bukod sa lagi syang may ka-text, madalas ay hindi na rin sya sumasama samin ni Kai pag lunch break at pati sa pag-uwi.

"May pupuntahan lang ako."

"Ganon ba?" Hindi ko maiwasan mainis. Tatlo na nga lang kami tapos wala pa sya.

"Wag ka na magalit." Hinimas nya ang buhok ko. "Babawi na lang ako bukas, promise!"

"Okay." Lagi naman eh. Kainis!

Nagmamadali syang lumabas ng classroom ng mag class dismissed na. Hindi ko alam kung ano ba itong naisipan ko at nagawa ko syang sundan. Nanlaki ang singkit kong mga mata kasabay ng pagkalaglag ng aking panga ng makitang sinalubong sya ng yakap ng isang sexy at morenang babae. Teka! Parang pamilyar iyong babaeng kasama nya? Saan ko ba sya nakita?

Mag kaholding hands nilang nilakbay ang daan palabas ng gate ng campus. Sino iyong kasama nya? Girlfriend nya?

"Bakit ngayon ka lang? Asan si kuya?" Tanong ni Kai.

"Hindi raw ulit sya makakasabay satin-"

"What? Again?" Tumango lang ako sakanya. "Ano kaya talaga iyong pinag kakaabalahan ni kuya?"

Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa tanong nya. Dapat ko bang sabihin sakanya ang mga nakita ko kanina? Pero kapag sinabi ko sakanya na may girlfriend na si kuya Liam, paniguradong tatanungin ito ni Kai, and worse baka madulas pa sya na ako ang nagsabi ng tungkol doon. Baka malaman pa ni kuya Liam na sinundan ko sya kanina at magalit sya. Kaya wag na lang.

Mag isa akong nag martsa papunta sa gymnasium para sa P.E class namin. Nadatnan kong nakaupo na roon sa bleachers si kuya Liam, habang nakikipag kwentuhan ito sa iilan namin mga ka-klase.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nya sakin ng makaupo na ako sa tabi nya.

"Madami kaseng tao kanina sa canteen, kaya natagalan kami."

"Ah, ganon ba?"

"Isama mo si Kazel sa sabado, ha?"

Agad ng iwas ng tingin si Allen sakin ng lingunin ko sya.

"Saan?" Tanong ko.

"Ah, itong si Allen nag aaya sa birthday nya sa sabado." Paliwanag ni kuya Liam sakin.

"Talaga? Invited din ako?" Medyo na excite ako.

"O-Oo. S-Sama ka, ha?"

Hindi ko alam kung bakit namumula itong si Allen at kung bakit hindi sya makatingin ng deretso sa akin.

"Syempre naman! Salamat sa pag invite. Advance happy birthday!" Lumaki ang ngisi ko.

"A-Ah.. Salamat. Maiwan ko muna kayo, may bibilin lang ako." Paalam nya at nag madali na sa pag alis.

Ngumuso ako. "Anong problema non?"

"Ang manhid mo naman."

Napangiwi ako at nilingon ang tumatawang si kuya Liam.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon