Kabanata 9
Your fiance
Agad akong sumugod sa mall ng matapos na ang klase namin. LECHE! Ano bang regalo ang dapat kung bilin para kay Kai?
Halos ikutin ko na ang buong mall kakahanap lang ng pwedeng iregalo kay Kai, pero sa huli, ayon... Isang fashion bracelet lang ang nabili ko. Birthday ngayon ni Kai. Darating kaya si Liam, para sa birthday ng kapatid nya? Hays! Sana, kase kung hindi, ito lang yung unang birthday ni Kai na wala ang kuya nya.
*Kriiiing!*
Napatalon ako sa gulat ng mag ring ng malakas ang cellphone ko.
Kairon is calling...
Natataranta kong sinagot ang kanyang tawag.
"Hello?"
"Where are you?"
Napangisi ako, dahil sa tono nyang puno ng pag-aalala.
"I'm on my way to your house."
"Saan ng banda?"
"Malapit na. wha--wait nga." ngumisi ulit ako. "Ano bang problema?"
"KAZEL?!"
May narinig akong sigaw kung saan, kaya nag palingalinga ako.
"Kazel I'm here."
Agad kong naaninaw ang mukha ni Kai sa di kalayuan. Nagsimula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang mabilis syang nag martsa palapit sakin. Ang gwapo nya lalo sa suot na black long sleeves na itinupi nya hanggang siko.
"San ka ba galing? Gabi na ah?" Tumaas ang boses nya. Galit ito puro puno parin ng pag-aalala.
Ngumuso ako at pasimpleng tinignan ang aking relos. Medyo madilim na nga, pero hindi pa naman gaanong gabi dahil 6:30 pm pa lang naman dito sa relos ko.
"Nag punta lang ako sa mall para--"
Agad kong kinagat ang madaldal kong labi. Damn! Muntik pa akong madulas.
Kumunot ang noo nya. "Para ano?"
"Ha? Ahmm... Para dito," Sabay pakita ko sa isang maliit na paper bag sakanya. "Happy birthday!"
Tumalon sa tuwa ang puso ko ng lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi nya.
"Para sakin?" Kinagat ko ang pangibabang labi at tumango sakanya. "Thanks, akala ko ay nakalimutan mo na."
"Ha? Hindi no! Imposibleng makalimutan ko yon!"
Namilog ang singkit kong mga mata ng bigla nyang ilapit ang mukha sakin at halikan ako sa pisngi!
"Thank you for this. Napasaya mo ako ng sobra."
Napatitig ako sa magandang ngiti nya. Para akong hinahabol ng kabayo sa bilis ng kabog nitong puso ko.
"Uy?"
Bumalik ako sa sariling ulirat. "H-Ha?"
"Let's go? Nag hihintay na sila sa bahay."
"O-Okay."
Nag martsa ako kasabay nya. Nilingon ko sya at malaki parin ang ngisi nya. Hindi parin maalis sa isip ko yung pakiramdam ng labi nya sa pisngi ko.
Umiinit ang buong mukha ko! Ang sarap sa feeling na makitang napasaya ko sya kahit sa simpleng regalo lang.
Hays! Sana talaga sya na lang iyong panganay na anak at sya na lang yung maging fiance ko, siguro kung ganon mas magiging okay ang lahat.
"Andito na po kami." Si Kai.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
