Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 5

819 33 0
                                        

Kabanata 5
Mag pa-pakasal

Halos dalawang linggo lang nag stay si papa sa hospital, dahil nag pumilit na syang umuwi. Ang sabi nya sayang lang yung pera kung magtatagal pa sya roon. Hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kung ano ba talaga yung sakit ni papa. Dahil parehas sila ni tita Joy na walang sinasabi sakin.

"Dahan-dahan lang po, pa." Sabi ko, habang inaalalayan ko sya sa paglakad papunta sa kanilang kwarto.

"Nasan ang tita Joy mo?"

"Nasa-"

"Andito ako, bakit?"

"Sabihin mo kela Karen at Zheng na bukas natin itutuloy yung dinner, para sa announcement nang kasal ng mga bata."

Parang biglang nag pintig ang tenga ko sa narinig. "Pero pa-"

"Halos dalawang linggo na nadelay ang dinner natin. Hindi na natin maaaring idelay pa yon."

"Pero pa, mas importante pa ba yung kasal na iyon kesa sa pagpapagaling nyo?"

"Nakalabas na ako ng hospital kaya okay na ko." Pangangatwiran nya.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Kazel, tara muna sa labas."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko na nagawa pang pumalag ng hilahin na ako ni tita Joy palabas.

"Sundin mo na lang ang papa mo." Wika nya gamit ang pinaka seryoso nyang tono.

Napangiwi ako. "Pero tita-"

"Please Kazel."

"Pero tita, ayoko po." Nauubos ang pasenyang wika ko.

Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal at sa lalaking may mahal nang iba. Ayoko!

"Kahit para sa papa mo?"

Kinagat ko ang nanginginig kong labi at matapang syang hinarap.

"Bakit nya po ba kase kelangan ipilit yung kasal na-"

"He's dying."

Napatunganga ako dahil sa biglang paghagulgol ni tita Joy sa harapan ko. Nawala ako sa sariling ulirat, habang isa-isang pino-proseso sa utak ko ang mga sinabi nya.

"Wha- wait! What did you just say?" Pumiyok ang boses ko.

Humikbi si tita at matapang akong hinarap. "Listen carefully Kazel. Ang papa mo, may sakit ang papa mo."

Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at natakot.

"What did you mean, tita? Anong sakit ni papa? High blood po ba si papa o low blood, kaya sya nawalan ng malay-"

"May sakit sa puso ang papa mo."

Kumunot ang noo ko. "What? Pero kelan pa?"

"5 years ago ko nalaman, pero matagal na yung sakit nya."

"Seryoso ka ba tita? Baka naman nagkakamali lang kay, o yung doktor, baka nag kakamali lang sya." Hindi makapaniwala kong usal.

"Hindi Kazel, sigurado kami."

Umiling ako. "No, tita. Imposible yun, diba nga ang lakas-lakas pa ni papa. 4 years ago nga diba nakapag travel pa kayo sa China-"

"Yun ang dahilan kung bakit kami nag tagal noon sa China." Humikbi ulit sya. "Hindi nya gustong mag pa-opera rito dahil ayaw nyang malaman nyo ni Johan ang tungkol sa sakit nya, ayaw nyang magalala kayong dalawa."

Mabilis namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga naririnig ko ngayon, pero alam ko rin sa sarili ko na hindi mag sisinungaling sakin si tita Joy, lalo pa kung tungkol sa ganitong bagay.

Hindi ko maiwasang maguilty, dahil ang akala ko noon, inubos lang ni papa at tita Joy ang pera namin sa pag ta-travel sa China. Ang akala ko noon nag enjoy at nag pakasaya lang silang dalawa roon. Wala akong kaalam-alam sa hirap na dinanas noon ni papa. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na kaya pala sila nawala ng halos limang buwan noon ay dahil nag pa opera si papa.

"Kung nag pa-opera na pala sya noon, so it means he's okay now, right?"

"No! He's not okay! As you can see Kazel, your dad is totally not okay."

Parang may matalim na bagay ang biglang humiwa sa puso ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

"Kasalan ko po ito, ako ang dahilan kung bakit sya na hospital ulit-"

"No, wag mong sisihin ang sarili mo Kazel, dahil ang papa mo-" Parang nilulukot ang puso ko, habang pinag mamasdan ko si tita Joy na panay pa rin ang pag iyak. "Desisyon ito ng papa mo."

"Anong desisyon ni papa? Anong ibig nyong sabihin?"

"Oo, after ng operasyon nya noon sa China, sinabi ng doktor na kelangan namin bumalik doon after 1 year para sa pangalawang operasyon nya, pero ayaw na ng papa mo, gastos lang daw. Mas importante raw ang pag-aaral nyo ni Johan. Wala na kong nagawa, hindi ko na sya napilit, at last month... Last month ko lang nalaman na isang taon na lang ang meron sya. Isang taon na lang pwedeng mabuhay ang papa mo."

Napatunganga ako dahil sa muling pag hagulgol ni tita Joy. Ngayon, pakiramdam ko ay namatay na ang puso ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, sana nga ay hindi na lang totoo, pero shit! Hindi ito panaginip, dahil ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng mga luhang nag uunahan na lumabas sa mga mata ko.

"He only wants the best for you, isa lang ang hiling nya bago sya mawala, ang makita kang nasa maayos na kalagayan, at manyayare lang yon kung maikakasal ka kay Liam bago sya mawala, dahil wala na syang ibang pinag kakatiwalaan kundi ang pamilya Yu. Kaya kung talagang mahal mo ang papa mo, bilang anak nya sana wag mo na syang pahirapan pa, wag mong biguin ang papa mo sa huli nyang kahilingan sayo. Gusto lang ng papa mo na makita kang maikasal sa lalaking galing sa mabuti at pinag kakatiwaan nyang pamilya. Gusto nya bago sya mawala masigurado nya na magiging maayos ang buhay mo."

Hindi mabura sa isip ko ang huling sinabing yon ni tita Joy sakin. Niyakap ko ang tuhod ko at panay pa rin ang pagiyak. 3am na, hindi ko na nagawang kumain o matulog man lang. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Shit! Sobrang sakit. Buong buhay ko ang akala ko walang pakialam sakin si papa, pero ang totoo ako lang ang iniisip nya. Sinakripisyo nya ang pag papaopera nya para sa kinabukasan namin ni Johan. Bakit papa? Bakit kelangan mong isakripisyo pati yung buhay mo? Bakit?

Kinusot ko ang mga mata ko kinabukasan. Mukhang nakatulugan ko na yung pag iyak. Pagbaba ko sa aming salas ay nadatnan ko roon si papa na nanonod ng balita sa tv.

"Papa?" Tawag ko sakanya.

Agad kumunot ang noo nya nang tingnan ako. "Kung tungkol na naman ito sa pag kontra mo sa kasal-"

"No, papa." Nakita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon nya. "Pumapayag na po ako sa gusto nyo. Mag pa-pakasal na po ako kay Liam."
~

To be continue...

Note: Please, don’t forget to vote and comment every chapters. Feel free to comment your question, reaction and suggestion. Thank you

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon