Kabanata 6

772 33 1
                                        

Kabanata 6
Just marry me

Sa bahay nila tito Zheng, kami mag di-dinner mamayang gabi. Buong araw akong matamlay dahil don, hindi ko magawang mag saya. Ngayon pa lang ay nagaalala na ako sa pwedeng maging reaksyon ni Liam kapag nalaman nya ang tungkol sa kasal.

"Kazel, ikaw na munang bahala sa papa mo, ha? mauuna na ako sa bahay nila tita Karen mo, para makatulong sa pagluluto." Si tita Joy.

"Okay po."

Nag martsa ako palapit kay papa na ngayon ay busy na sa pag-aayos sa sarili.

"Pa, tulungan ko na po kayo."

Bumakas ang gulat sa ekspresyon nya. "Kaya ko na'to."

"Okay po, basta tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan kayo."

"Sandali lang."

"B-Bakit pa?"

"Sabihin mo nga sakin, kung ano ba ang nakapag pabago sa isip mo para pumayag sa kasal?"

Bigla akong kinabahan sa seryosong tanong nya. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya na alam ko na ang tungkol sa sakit nya

"Po? Ahmm."

"May sinabi ba ang tita Joy mo-"

"W-Wala po. Pumayag po ako dahil alam kong iyon ang makakabuti para sa lahat."

Halatang hindi sya ganoon kumbinsido sa sinabi ko, ngunit pinili nyang hindi na lang magsalita.

7:15 pm, nasa hapag kainan na ang lahat maliban kay Liam.

"Kai, have you called your brother?" Tito Zheng asked.

"Yes dad, but he does not answer his phone."

"Hon, baka na traffic lang, parating na rin iyon." Depensa agad ni tita Karen sa kanyang panganay.

"Oo nga naman, hintayin na lang natin sya." Gatong ni tita Joy.

"Bakit kase, kelangan pang hintayin si kuya, pwede naman mauna na tayong kumain, gutom na ko eh." Bulong ni Kai sa tabi ko at mabuti na lang at mukhang ako lang naman ang nakarinig.

Pasimple kong sinulyapan si Kai. Ano naman kaya ang magiging reaksyon nya, kapag nalaman nya ang purpose ng dinner na'to?

"Good evening po."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang masayang tono ni Liam na bumungad sa aming lahat.

"Oh see? He's here." Masayang sinalubong ni tita Karen ang anak.

"Sorry po, I'm late."

"Okay lang iho." Si papa.

Sinundan ko ng tingin ang pag-upo ni Liam sa tabi ko. Nakagat ko ang pangibaba labi nang makita ko masaya nyang awra. Kakaiba talaga ang ngiti nyang ito, bihira ko lang sya makita na ganito kasaya at alam kong si Luisa lang ang dahilan ng lahat ng ito. Shit! Ngayon pa lang tuloy natatakot na ko. Natatakot ako na mapalitan ng galit ang mga ngiti nyang ito. Walangya! Kung pwede lang na mag workout na lang ako ngayon para lang hindi matuloy ang announcement tungkol sa kasal namin ginawa ko na talaga, kung pwede lang. Nakaka-isang subo pa lang ako pero, halos busog na agad ako. Pakiramdam ko kase ay may kung anong mabigat na bagay sa loob ng tiyan ko.

"Ilan taon ka na ngayon Liam?"

Halos masamid ako, nang mag simula ng mag tanong si papa. Sigurado na ito na ang panimula nya sa announcement.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon