Kabanata 4
Mahal na mahalHalos isang oras na si papa sa loob pero wala parin'g doktor na lumalabas. Habang tumatagal ay mas lumalala ang takot ko.
"Mare? Anong nanyare?"
Mabilis niyakap ni tita Karen si tita Joy na panay pa rin sa pag-iyak.
"Kazel, okay ka lang?"
Nag-angat ako ng tingin sa nag-aalalang si Kai sa harapan ko.
"Kai-"
Natigilan ako ng bigla nya akong yakapin. Mabilis namuo ang luha sa mga mata ko.
"Don't worry, magiging okay din si tito."
Kung kanina ay hindi ako maiyak, ngayon ay parang sirang gripo ng tumutulo ang mga luha ko.
"Kai, kasalanan ko 'to. Ano ng gagawin ko?"
"Sshh! Wala kang kasalanan."
KASALANAN KO! WALANGYA! ANO NG GAGAWIN KO?
Kumalas sya sa pag kakayakap sakin at hinarap ako. Napatunganga ako ng dahan-dahan nyang pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Wag mong sisihin ang sarili mo, wala naman may gusto ng nanyare."
Si Kai, sya talaga itong laging andito para sa akin. Mula pa noong mga bata pa kami. Sa tuwing busy si Liam sa pagbabasa ng libro sya ang tanging nasa tabi ko para makipaglaro sakin.
"Water?" Alok nya ng sa wakas ay kumalma na ako.
"Salamat."
Pagkalipas ng halos dalawang oras, sa wakas ay inilabas na rin si papa sa ICU at inilipat narin sya sa isang private room. Dito lang ako nakahinga ng maluwag.
"Ano pong sabi ng doktor? Ano raw pong sakit ni papa? Okay na raw po ba sya?" Tanong ko kela tito Zheng na syang nakausap ng doktor.
"Ligtas na ang papa mo, kelangan na lang nyang mag stay dito for the recovery." Mapakla ang nging ngiti nya.
Kumunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko ay mayroon silang hindi sinasabi sakin?
"Ano raw pong sakit nya-"
"Mabuti pa Kai umuwi muna kayo ni Kazel at kumuha ng mga gamit." Utos ni tita Karen.
"Sige po ma, tara Kazel?"
Tumango ako sakanya. "Babalik din po kami agad."
Palabas na sana kami ng hospital ng bigla namin makasalubong ang hinihingal pang si Liam.
"Oh, kuya, san ka galing?"
"San kayo pupunta? Kamusta na si tito? Anong nanyare sakanya-"
"Okay na sya. Uuwi na muna kami ngayon, para kumuha ng mga gamit." Tugon ko, kaya nabaling sakin ang tingin nya.
Dahan-dahan syang lumapit sakin at marahang hinawakan ang magkabila kong braso.
"Are you okay?" Tango lang ang naging tugon ko sakanya. "Samahan ko na kayo."
"Sige." Si Kai ang sumagot.
Iniayos ko sa malaking bag ang mga damit na dadalin namin. Ginamit namin ang kotse ni papa ng pabalik na kami ng hospital. Si Liam ang nag drive dahil sya lang naman itong may lisensya samin.
"Ito na po yung mga gamit." Si Kai.
"Salamat, iho." Si tita Joy.
"Ma? Kamusta na si tito?"

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Dla nastolatków"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...