Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 1

1.3K 43 0
                                        

Kabanata 1
Sumama o hindi

"Good morning! Kanina pa kayo?" Tinapunan ko ng tingin si Kai na poging-pogi sa uniform nya at si kuya Liam na nagbabasa parin ng libro, habang nakaupo rito sa sofa namin.

"Hindi naman. Let's go?" Si kuya Liam.

First day namin ngayon sa school. Grade 9 na kami ni kuya Liam at grade 8 naman si Kai.

"Alis na po kami tito." Paalam nila kay papa na nakaupo rin sa sofa.

"Sige ingat kayo."

"Bye pa." Kinagat ko ang labi ko at hinalikan ito sa pingi.

"Bye ate."

Ngumisi ako at ginulo ang buhok nya. "Bye Johan. Ingat ka sa school, ha?"

Ngumisi sya at tumango sakin. "Opo ate."

"Good!"

Kahit na minsan ay nag seselos ako sa kapatid ko dahil alam ko na sya ang mahal ni papa, hindi ko pa rin magawang magalit sakanya dahil mahal ko rin sya bilang ate nya.

"Naiinggit ako sainyong dalawa dahil mag ka-klase kayo."

Nakabusangot si Kai kaya inakbayan ko sya.

"Okay lang iyon. Sabay-sabay naman tayong mag lu-lunch mamaya." Sabi ko.

Si Kai sana itong ka batchmate ko at a head sana samin ng isang taon itong si kuya Liam, pero dahil parehas silang nag stop noon ng isang taon, dahil isang taon sila nag stay noon sa China nung magkasakit ang lola nila. Kaya kami ni kuya Liam ang naging magkaklase ngayon at naiwan si Kairon.

Kumaway si Kai samin ng maihatid na namin sya sa building nila. Pagkatapos ay sabay parin kami naglakad ni kuya Liam papunta sa classroom namin.

"Good morning Liam."

"Good morning." Balik ngiti nya rito.

"Hi Liam."

"Hi."

Awtomatiko akong napapalingon sa mga babaeng panay ang pa-cute sakanya. Hindi naman ako nagtataka kung bakit madaming nag kakandarapa rito kay kuya Liam, dahil talaga naman na gwapo at matangkad ito. At higit sa lahat hindi lang sya top student sa klase, sobrang bait at matulungin pa nya sa lahat. Kaya Prince charming talaga kung iturin sya ng karamihan. Pero para sakin? Si Kairon ang Prince Charming ko. Oo, may gusto ako kay Kai, kahit alam kong kapatid lang ang turin nya sakin.

Kita ko kaagad ang paghanga sa mata ng mga babaeng kaklase namin pagpasok pa lang namin sa classroom.

Nagsimula na ang klase at dahil first day of school nga ngayon ay isa-isa kaming nagpakilala sa lahat.

"Next." Sabi ng adviser namin.

Nag-angat ako ng tingin kay kuya Liam nang bigla syang tumayo sa tabi ko at humarap sa buong klase.

"Good morning, I'm Liam Tyner Yu. 15 years old. I don't really into sports, but I love reading books..."

"Gosh! Ang gwapo talaga nya."

Napatunganga ako dahil sa mga bulungan sa paligid, lahat puro papuri sakanya.

"Ikaw na."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nya. Oo nga pala. Nawala sa isip ko na ako na ang susunod na mag papakilala. Lumunok ako at tumayo na para harapin sila.

"H-Hi. I'm Kazel Fei Liu. 14 years old." Nahihiya kong pakilala at mabilis ulit naupo.

"Girlfriend ba sya ni Liam?"

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon