Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 55

924 32 6
                                        

Kabanata 55
You got it

Nang mga sumunod na araw, naging usap-usapan na nga sa buong campus ang tungkol samin ni Liam, pero at least ngayon ay mas naintindihan na kami ng karamihan.

Walang klase ngayon, dahil ngayon ang ika-25th Anniversary ng 'CSU' at pag bibigay pugay rin para sa lolo ng mga Vizconde na syang nanguna sa pag papatayo nitong unibersidad, kaya kelangan parin pumasok at mag attendance. Matapos namin makinig sa speech ng mga Vizconde. Mag kasama kaming nag lakad ni Liam papunta roon sa grandstand, nang maaninaw ko si Ruwesha na nakatayo roon sa gilid.

“Si Ruwesha.”

“Gusto mo syang lapitan?” Tanong nya sakin.

Tumango ako sakanya. “Gusto ko sana sya makausap?”

“Okay, let's go?”

Hinawakan ni Liam ang kamay ko at nag martsa kami palapit roon kay Ruwesha.

“Hi Ruwesha!” Si Liam ang naunang mag salita.

Tamad nya kaming nilingon. Medyo guilty parin ako.

“Kayo pala.”

“Ruwesha? Pwede ba kitang m-makausap?”

I swear, kinakabahan talaga ko. May awra kase talaga sya na nakakatakot.

Tumango sya at tipid na ngumiti sakin. Dun lang nabawasan ang kaba ko. “Oo naman.”

“Kung ganon, iiwan ko muna sayo tong asawa ko, ikaw nang bahala sakanya, Ruwesha.”

Uminit ng husto ang pisngi ko sa sinabi ni Liam. “Mr. Yu!” Suway ko sa kanya.

Ngumisi sya sakin. “Bakit mrs. Yu?”

Napangiwi at pinandilatan sya ng mata. Napakamot ulo sya at ngumisi samin.

“Naku! Pasensya ka na, Ruwesha.”

“No, it's okay, Kazel. I'm glad that you too, are really okay.”

Grabe, hindi naman pala sya ganoon nakakatakot.

“Sige, puntahan ko lang sila Quirrez.” Paalam ni Liam kaya sinundan namin sya ng tingin.

Lumipat ang tingin ko kay Ruwesha. “I'm sorry.” Bungad ko.

“Hindi mo kelangan mag sorry, wala ka naman ginawang mali sakin.”

“Pero alam kong nasaktan ka nung sinabi nyang girlfriend nya ko.” Pag tukoy ko kay Brex. Bigla syang natahimik kaya mas na guilty ako. “Actually, kami ni Liam, ikinasal kami dahil sa fix marriage.”

Napaawang ang bibig nya sa sinabi ko. Aaminin ko, magaan rin ang loob ko sakanya kaya madali kong naikwento ang lahat sakanya.

Kaya nga gusto kitang makausap. Hindi ko in-expect na ssabihin nya yon. I'm sorry, dahil hindi man lang ako nag salita noon—”

“Wala kang kasalanan,” Bumagsak ang tingin nya. “Sinabi nya yon para magkaroon sya ng dahilan na malayuan ako.”

“Sa tingin ko hindi ganon yon.”

Nag angat sya ng tingin sakin. “Anong ibig mong sabihin?”

“Sa tingin ko, gusto ka rin nya.” Hindi sya nakaimik at hinintay lang ang mga susunod kong sasabihin. Siguro ay hindi sya makapaniwala, pero sigurado ako ron. “Nakita ko kase kung paano ka nya tignan, habang nag lalakad ka palayo samin. Alam kong gusto ka nya pero pinipigilan lang nya.”

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon