Kabanata 37
Valentine's day
“Good morning.” Usal ko isang umaga.
“Good morning.” Tugon nya, saka nagmamadaling dinampot iyung bag nya.
“Aalis ka na?”
“Oo, ingat ka sa pag pasok.”
Hindi ko na nagawang sumagot pa sakanya, dahil nakaalis na agad sya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Valentine's day ngayon, kaya siguro ang aga nyang pumasok dahil ireready pa nya iyung surprise nya kay Luisa? Awtomatiko akong napahawak sa dibdib ko ng maramdamang may kumurot doon.
Gumayak ako at pumasok narin ng school. Hindi ko mapigilan mapanguso sa nakikita kong mga bulaklak na nagkalat sa buong campus. Kainis! Sino ba kase nag pauso ng Valentine's day?
“Ayan na sya.”
“Kazel? May ibibigay daw sayo si Dan.”
Naramdaman ko ang hiya ng magtilian at hiyawan ang mga ka-klase ko. Lumapit si Dan sakin at may iniabot na tatlong pirasong rose at isang malaking chocolate.
“H-Happy Valentine’ Kazel.” Nahihiya nitong wika.
“Thanks.” Tipid akong napangiti.
“Sana all, nabibigyan ng flowers.” Tunog bitter si Jassy ng makaupo na ako sa tabi nila.
“Tatlo 'to, gusto nyo ba?” Inosente kong tanong sakanila. Baka lang gusto nila, pwede ko naman silang bigyan.
“Naku, wag na no, baka magalit pa si Dan.”
Napangisi ako sa biglang naisip. Yung bulaklak lang ba yung gusto nya o pati si Dan? Tulala lang ako, habang nag di-discus si mr. Alvarez, kainis! Walang ibang pumapasok ngayon sa isip ko kundi si Liam at ang magiging date nila ni Luisa! Shit.
“Wala ba kayong date mamaya?” Tanong ni Lujille, parehas kaming napailing ni Jassy.
“Wag na kayong malungkot, malay mo mamaya may magaya pa sainyo?”
Sa tono pa lang ni Lujille, halatang may date sya mamaya. Hays! Sana lahat, meron. Ang weird, kase may dalawa ng nag bigay sakin ng bulaklak, pero hindi ko parin makuhang maging masaya. Kahit ilan bulaklak pa yata ang matanggap ko ngayon araw, kung hindi naman galing sakanya hindi parin ako magiging sobrang saya. Ganito ba talaga ang feeling ng in love?
Nag punta na kami sa susunod namin klase ng matapos na kami sa pag kain. Sana matapos na ang araw na'to para pwede na akong mag mukmok sa kwarto ko. Yan lang talaga ang nasa isip ko ngayon.
“Okay, don't forget your group presentation next week.” Paalala ni mrs. Abat.
“Yes ma’am.” Tugon ng mga ka-klase ko.
Ngumuso ako at iniayos na iyong mga gamit ko sa loob ng aking bag. Uuwi na kaagad ako at matutulog.
“Kazel? May gwapong naghahanap sayo rito sa labas—bilis!” Halos patili iyon sinabi ni Angela na ka-klase ko.
Nagsalubong agad ang dalawang kilay ko. May naghahanap na gwapo sakin? Sino naman? Si Liam? Shit! Syempre hindi! Bakit naman nya ko pupuntahan dito? At saka kung si Liam nga edi dapat kilala sya ni Angela. Napaka imposible na si Liam yon pero gustong-gusto ko parin umasa. Lintik na puso!
Tumayo ako at kabadong naglakad palabas ng classroom namin. Nagugulat akong napatitig kay Kai na narito ngayon sa harapan ko. Malaki ang ngiti nya, bitbit ang isang bouquet ng red roses.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Novela Juvenil"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...