Kabanata 23
Band aidSimula nung araw na mawala si Xander ay parang bulang nawala na rin si Safia. Halos dalawang linggo akong walang balita sakanya, hanggang malaman ko na lang na nag drop out na pala sya. Hindi ko ma-imagine yung sakit na nararamdaman nya sa mga oras na'to. Nag punta akong mag isa sa cafeteria dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod kay Safia.
“Uy, Kazel?”
Nilingon ko iyong babaeng tumawag sakin. Si Jassy iyon na ka-klase ko kasama nya yung isa pa namin'g ka-klase na si Lujille.
“Sumabay ka na samin.” Si Lujille
“Okay lang?”
“Oo naman.” Ngumisi si Jassy sakin.
“Thanks.”
Naupo ako sa tabi ni Lujille na nakaupo naman sa tapat ni Jassy. Tahimik sila at mahiyaan sa klase kaya nakakapag taka lang na kinausap nila ako ngayon.
“Si Safia ba, yung lagi mong kasama? Hindi na ba sya papasok?” Inosentong tanong ni Jassy.
Tango lang ang naging reply ko sakanila.
“Kung ganon dapat sumama ka na lagi samin, para naman tatlo na tayo.” Malaki ang ngisi ni Lujille sakin.
“Oo nga, simula ngayon friends mo na kami, ah?” Si Jassy.
Medyo weird yung kelangan pa nilang i-announce yung friendship namin kase diba bigla bigla na lang naman nanyayare yon? Pero okay na rin at least may mga magiging kaibigan ulit ako.
“Okay.”
Ngumisi ulit ako sakanila at ganon din sila sakin saka kami nag simula sa pag kain.
“Diba si Ruwesha yon?” Sabi ni Lujille sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Hinanap ng tingin ko iyong Ruwesha'ng tinitignan nila, nahagilap agad ng mga mata ko si Liam na nakaupo roon sa table na kinatatayuan nung Ruwesha na dalawang table lang ang pagitan samin.
“Sino bang Ruwesha yon?”
Sabay silang napatingin sakin.
“Hindi mo sya kilala?” Oa ng reaksyon ni Lujille na para bang obligado kong kilalanin iyong babae.
“Hindi eh, sino ba sya?”
“Sikat sya rito sa University dahil galing sya sa mayaman at kilalang pamilya, actually baka nga sila pa pinaka mayaman dito sa buong Nueva Ecija.” Pagpapakilala ni Jassy rito na ikinalaglag ang panga ko.
“Ganon kayaman ang pamilya nya?”
“Oo, dati natin mayor yung lolo nya at may mga business din sila sa Manila at yung... Yung Celcor dito? Sila may-ari non.” Dagdag ni Lujille. “Pinsan din nya yung dalawang gwapong U-Prince na sina Ysaiah at Ashton Vizconde.”
Ha? Si Ashton na kaibigan ni Xander? Talaga ngang mayaman sila. Bumalik yung tingin ko ron sa table nila.
“Pero hindi lang sya sikat dahil don, sikat din sya dahil sa pagiging bully dito sa University.”
Gulat kong nilingon si Jassy. “Bully?!”
Sa ganda nyang yan, bully sya?
“Oo, kaya kung ayaw mong ma-bully ka nya, mag kagusto ka na sa lahat ng U-Prince wag lang dyan kay Brex Louie Ortegas.”
Kumunot ang noo ko. Bakit? Anong meron?
“Please, just for once, Brex.” Narinig kong pakiusap nung Ruwesha.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Novela Juvenil"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...