Kabanata 15

754 21 0
                                    

Kabanata 15
Anniversary

First day of school na. Kabado ako, dahil hindi ko na makakasama si Kai, mag kaibang school na kami ngayon dahil nasa senior high pa lang sya. Si Liam naman, kasama ko nga sa iisang University, but I'm not allowed to talk to him. Well, ganon talaga kaya from now on sasanayin ko na ang sarili ko na mag isa.

“Kazel?” Sigaw ni Safia at agad akong napangiti.

Well, sa tingin ko ay hindi naman talaga ako mag iisa ngayon pasukan.

“Oh, dahan-dahan lang.” Paalala ko.

“Buti nakita kita.” Hinihingal ngunit nakangiti sya. “Actually, kanina pa ako dito pero hindi ko makita yung building natin.”

“Hindi ko rin naman alam kung saan. Tara hanapin na natin.”

Tumango sya at mabilis isinabit sa braso ko ang braso nya.

“Wow! Ang laki naman ng cafeteria rito.”

Sabay namin iginala ang aming mga mata. Hindi ko maiwasan, mamangha sa laki nitong cafeteria at hindi ko rin alam kung bakit ba kami napunta rito.

“Grabe ang sweet naman nung lalaki.”

Napalingon ako sa nag salitang si Safia. Sinundan ko ng tingin ang mga mata nyang nakatingin sa malayo. Halos mapanganga ako ng bumungad sakin si Liam na naka luhod sa harapan ni Luisa, habang itinatali nito ang sintas ng kanyang girlfriend. Hindi ko alam kung bakit parang sumama ang pakiramdam ko.

“Ang swerte ni ate girl no—"

Agad akong nag iwas ng tingin sa dalawa ng lingunin ako ni Safia.

“O-Oo nga, eh—” Shit!

“Pero wala pa rin yan sa boyfriend ko.” Kumento nya na nag pakinang sa mga mata nya. She’s really in-love.

Hindi ko tuloy maiwasan questionin ang sarili ko. Hindi ba dapat maging ganito rin ako kay Safia? Dahil sure naman ako na si Kai ang gusto ko, pero bakit ganito? Bakit parang nakakaramdam ako ng konting konting konting inggit kay Luisa? Na hindi ko matukoy kung saan nanggagaling.

“Gano na kayo katagal ng boyfriend mo?” Natanong ko, habang nag mamartsa na kami papunta saming building.

“Ha? Ahmm.. Mag four years na.” Biglang lumaki ang ngiti nya lumabas ang dimples nya.

“Talaga? Ganon na katagal?”

Tumango sya. “Oo, at sigurado na ako na sya na talaga ang lalaking pakakasalan ko.”

“P-Paano kung hindi pala sya yung nakatakdang mapangasawa mo?”

Kumunot ang noo nya. “Edi mag papaka tandang dalaga na lang ako non, sya ang mahal ko kaya sya lang ang pakakasalan ko. Kahit kontrahin pa ako ng buong mundo.”

Natigilan ako sa sinabi nya. As in, pakiramdam ko ay para akong pakong pinupukpok ngayon. Mabuti pa sya ay kaya nyang magdesisyon para sa sarili nya. Eh, ako?

“Ikaw? May boyfriend ka ba?”

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Ang dali lang Sagutin na wala, pero hindi ko yon magawang ideny, kaya umiling na lang ako sakanya.

“Ha? Bakit?”

Natigilan ako. Bakit? Kelangan ba talaga may sagot don? Well, siguro dahil sa istrekto kong papa. Noon pa man ay In-love na ako kay Kai, pero hindi ko maamin dahil baka kapatid lang ang tingin nya sakin at ngayon na nararamdaman kong gusto rin nya ako ay hindi naman kami pwede, dahil sa fix marriage.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon