Kabanata 49
Mag divorce
Halos mag damag wala akong ginawa kundi mag kulong sa kwarto at umiyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita si papa na nakahiga roon sa kanyang kabaong. Sobrang sayang lang kase ngayon pa lang sana kami nag sisimulang maging close sa isa't-isa. Ang dami pa sana namin pwedeng gawin na mag kasama. Ang iksi ng 19 years para samin dalawa.
*Tok-tok*
Agad kong pinunasan ang aking luha at mabilis na pinag buksan ng pintuan si Liam.
“Katatawag lang sakin ni mama, andun na raw si tito Hutian.”
Pag tukoy nya sa mga labi ni papa na kararating lang sa RBN MEMORIAL. Umuwi kase kami rito sa bahay namin para kumuha ng mga personal naming gamit.
“Sige, tara na?”
Tumango lang sya at binitbit na iyong mga gamit ko.
Kaunti lang ang mga tao pag dating namin doon. Wala naman kase gano kaibigan si papa rito kahit almost 25 years na syang nakatira rito sa Pilipinas. Patay na rin ang lolo at lola ko kay papa, may isa syang nakakatandang kapatid pero parang malabo naman makapunta rito. Hindi ko napigilan ang pag iyak. Parang dinudurog ang puso ko, habang pinagmamasdan ko si papa na nakahiga sa kabaong na iyon.
“I'm sure masaya na rin si tito Hutian dahil alam nyang hindi ka nag tanim ng galit sakanya.”
Nilingon ko si Liam na nakatayo sa tabi ko “Sa tingin mo?”
“Oo naman,” Ngumiti sya. “Saka mag kasama na sila ng mama mo ngayon, diba?”
Ewan kung bakit, pero medyo nabawasan ang pagkirot ng puso ko, dahil sa sinabi nya. Tama, mag kakasama na ulit sila ng mama ko.
“You're right.” Pinunasan ko ang luha sa mga mata at pinilit na ngumiti.
Naging mabilis ang panahon. Tatlong araw matapos iburol si papa ay ni cremate na rin ang katawan nya.
“Pano yan mare, dalawa na lang kayo ni Johan sa bahay nyo, hindi ba kayo malulungkot nyan?” Si tita Karen.
“Malulungkot, pero malapit lang naman ang bahay nyo, welcome parin naman kami anytime, diba?” Hilaw ang naging ngisi ni tita Joy.
“Oo naman syempre, kahit araw-araw pa.” Ngumisi si tita Karen sakanila.
“Okay lang ba tita kung samahan muna namin kayo ni Kazel sa bahay nyo.”
Napaawang ang bibig ko sa tanong ni Liam.
“Oo naman, I'm sure gustong gusto yon ni Johan.”
"Gusto mo yon Johan?” Tanong ni Liam sa kanina pang tahimik na si Johan.
“Opo kuya, gustong-gusto.” Sagot nito na wala naman pinakitang ekspresyon.
Nalulungkot din ako para sa kapatid ko, dahil kumpara sakin, mas kakaonti ang naging panahon nila ni papa na nagkasama.
“Okay, tara ng umuwi para maipagluto na tayo ni kuya Liam?” Pinilit kong pasiglahin ang tono ko ng sa gayon ay nabawasan ang lungkot nila.
“Okay. Ano bang gusto mong kainin Johan?”
“Chicken.” Sa wakas ay ngumiti narin ang kapatid ko.
“Okay! Ipagluluto kita ng chicken, let's go?”
Tinulugan ni Johan si Liam sa pagluluto ng fried chicken ng makauwi na kami. Habang ako ay nakaupo lang at nakapangalumbaba rito sa dinning area.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...