Kabanata 12

710 24 0
                                    

Kabanata 12
Surprise

Simula bukas, ay mag babago na ang buhay ko, dahil simula bukas ay isa na akong ‘Mrs. Yu'. Ewan, pero para akong mababaliw sa tuwing maiisip ko ang mga yon. Ni minsan kase hindi talaga sumagi sa isip ko na mag papakasal ako sa ganitong kabatang edad at lalo namang di ko naisip na si Liam ang pakakasalan ko, dahil hindi naman kami inlove sa isa't-isa. Pag gising ko kinabukasan ay wala na si Liam sa couch. Luminga-linga ako. Wala sya pati sa buong kwarto. Tinignan ko agad ang alarm clock sa ibabaw ng drawer. Lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang oras.

“Oh my.” gosh!

10:30 am na. 9 am ang flight, nila papa at tito Zheng, pabalik sa Pilipinas. Ang plano kase bilang ito ang tinatawag nilang honey moon, maiiwan pa kaming dalawa ni Liam dito ng tatlong araw. Bumangon ako at nag madali ng gumayak. Pano kung iniwan na rin pala ko ni Liam? Pano kung sumunod na rin pala sya pauwi sa Pilipinas? Pano na ko? Shit! Hindi ko alam kung bakit ko iyon naiisip, alam ko naman na hindi papayag ang mga parents namin na iwan nya akong mag-isa rito, pero nasan nga sya ngayon? Pag kagayak ko ay lumabas ako ng kwarto kung saan kami nag check in. Ilan beses ko na syang sinubukang tawagan pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Sinubukan ko na din syang hanapin sa paligid ng hotel pero hindi ko sya makita. Mabilis namuo ang luha sa mga mata ko. Natatakot na talaga ko. Natatakot ako na baka ako na lang mag isa rito. Hinimas ko ang aking tiyan. Halos isang oras na rin ang nakalipas. Nagugutom na ko.

“Láojià?”

*Excuse me?

Sabi ko sa babaeng nakasalubong ko na staff dito sa hotel.

“Shì de nüshì? Wô zênme bãng nî?”

*Yes, ma'am? How can I help you?

Tumunganga ako saglit para iproseso sa utak ko ang mga sinabi nya.

“Wô xiâng wô mílùle, wô xūyào huí dào zìjî de fángjiān.”

*I think I am lost, I need to go back to my room.

“Nǎ céng lóu?”

*Which floor?

“Duìbùqǐ, dàn wǒ jì bù qǐláile.”

Sorry, but I can't remember it.

“Hǎo  de, gēn wǒ lái.”

*Ok, come with me.

Tumango ako at sinundan sya. Andito kami ngayon sa 7th floor, sumakay kami sa elevator papunta sa 1st floor sa information desk. Tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Pag bukas ng elevator ay bumungad agad sakin si Liam. Napatunganga ako, habang pinag mamasdan syang hinihingal.

“Li—"

Tumindig ang balahibo ko ng hilahin nya ang braso ko palabas roon sa elevator.

“San ka ba nag punta?” Galit nyang sabi?

“H-hinanap k-kase kita. P-pag g-gising ko wala na a-akong kasama.” Lintik! Nauutal pa talaga ko.

“Hinatid ko kase sila mama, sa airport. Tapos naiwan ko pa yung cellphone ko.”

“Ah... G-Ganon—okay.” Hindi ko makapa ang mga salitang gusto kong sabihin.

“Láojià?” Sabi nung babaeng kasama ko. Honestly, muntik ko ng makalimutan na may kasama ako.

“Shì?”

*Yes?

“I almost lost the way to our room. She's the one who helped me.” Sabi ko.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon