Kabanata 7
I can marry you
"Just marry me." Nanginig ang boses ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"What? Are you out of your mind?"
"Kazel, ano ba yang sinasabi mo?" Si Kairon na mukhang naguguluhan na rin.
Lumunok ako, kasabay ng pag lunok ko sa aking pride.
"O-Okay lang po sakin. Pumapayag po akong mag pakasal kay Liam." Shit!
"What the hell Kazel! I can't believe you, Kazel." Bakas ang matinding pagkadismaya sa tono nya bago nag walkout.
Awtomatiko akong napasunod ng tingin sakanya at mabilis na tumayo para sundan sya.
"Excuse me po." Paalam ko sa lahat.
Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pa syang sundan, hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin, basta parang bigla na lang nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko at nag martsa ito ng kusa para sundan sya.
"Sandali lang, Liam?"
Agad syang natigilan sa paglalakad. Nang harapin nya ako at ganon na lang ang takot na naramdaman ko dahil sa paraan nang pagtingin nya sakin. Yung mga tingin nyang punong-puno nang pagkadismaya at galit.
"Bakit Kazel? Bakit mo iyon sinabi?"
"I'm sorry, alam kong nagulat ka-"
"At ikaw hindi? Hindi ka nagulat? Sabihin mo nga sakin yung totoo? Matagal mo na bang alam ang tungkol dito?!"
SHEEEET!
Gusto kong mag sinungaling at itanggi iyon. Gustong-gusto kong sabihin sakanya na hindi yun ganon, na ngayon ko lang din iyon nalaman, pero shit! Hindi ko yata kayang mag sinungaling. Kinagat ko ang labi ko at tumango sakanya.
"BULLSHIT!" Malutong nyang mura, sabay gulo sa kanyang buhok.
"I'm sorry-" Muling nag-init ang gilid ng mga mata ko.
"Matagal mo nang alam, pero wala ka man lang sinabi sakin? At hindi ka man lang kumontra sa lintik na fix marriage na yon?" Nanginig ang sa galit ang boses nya.
"Because, I want you to marry me." Damn Kazel!
"Seriously?!" Inismiran nya ko bago mag patuloy. "Walangya Kazel, para na tayong magkapatid at alam mong may mahal na akong iba, si Luisa!"
"I know." Alam na alam ko iyon, shit!
"You already knew, but you still asked me to marry you? In front of everyone? I can't believe you!"
"Liam-"
"I won't marry you, dahil si Luisa lang ang mahal ko. Si Luisa lang ang gusto kong pakasalan. Sya lang ang pakakasalan ko." Giit nya na tuluyang sumira sa pag-asa kong mapapayag sya.
Para akong tino-torture ngayon. Alam ko naman ang lahat ng iyon, pero lintik anong magagawa ko? Ito na yung huling kahilingan ni papa sakin.
"Ang akala ko pa naman matalino ka, I'm so disappointed on you."
I swear, ramdam ko na talaga ang isa-isang pagkamatay ng mga insekto sa loob ng tiyan ko. Napahagulgol ako ng iyak, habang sinusundan ko ng tingin ang pag martsa nya paakyat sa kanilang hagdanan. Ito ang first time na makita ko sya na ganito ka galit. Never ko naisip na ako pa ang magiging dahilan para magalit sya ng sobra.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
