Kabanata 48
Happy Birthday my daughter
Naalimpungatan ako, nang may marinig na umiiyak. Agad kong kinusot ang mga mata ko. Nakatulog pala ako sa balikat ni Liam. Dala narin siguro ng pagod. Nadatnan kong umiiyak si tita Joy, habang tinatahan sya ni tita Karen. Mukhang napasarap talaga ang tulog namin ni Liam, ni hindi na kase namin napansin ang pag dating nila Kai
“Ayoko sana maniwala sa sinabi noon ng doctor na isang taon na lang syang mabubuhay, pero bakit ito nanyayare sakanya?” Napahagulgol lalo si tita Joy.
“Tatagan mo lang ang loob mo.” Si tita Karen.
“Hindi yan totoo, sigurado ako, mahaba pa ang buhay nya.” Si tito Zheng.
Kinagat ko ang aking labi, para pigilan ang pagkawala ng aking luha.
“Ate…” Napatunganga ako ng bigla akong yakapin ng umiiyak na si Johan. “Ate, si papa. Anong nanyare kay papa?” Panay ang pag hikbi nya.
“Ssshh,” Hinimas ko ang likuran nya. “He'll will be fine, malakas si papa, diba?”
“Really? You think so?”
“Of course, kaya dapat maging malakas ka rin parang si papa, stop crying na.” Pinunasan ko ang luha sa mga mata at pisngi nya.
Sa gilid ng aking mga mata ay ang pagbaling nilang lahat ng tingin samin. Maging ni Liam sa tabi ko, mukhang nagising sya dahil sa iyak ni Johan.
“Kazel? Pwede ba tayong mag usap?” Bulong ni Kai nang sa wakas ay makakuha sya ng tyempo.
Pasimple kong sinulyapan si Liam na naka kunot noo samin.
“Okay.”
Nauna na ko sakanya sa palabas, naramdaman ko naman ang pag sunod nya.
“I'm sorry for what I did—”
“It's okay, Kai.”
“No, it’s not okay, magalit ka sakin, sampalin mo ko—”
“Do you really think, I have time for that? Critical ngayon ang papa ko at walang ibang tumatakbo ngayon sa isip ko, kundi sya lang at sana magising na sya—”
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. “I'm sorry,” This time ay kumawala na naman ang luha sa mga mata ko. Isa si Kai sa pinaka mabuting taong nakilala ko. I have no doubt pag dating doon. Pagkatapos ng madramang eksena na yon ay nag usap na kami ng maayos. “Tama ka Kazel, dapat nga siguro ituon ko na lang yung pag tingin ko sa iba. Hindi kita dapat pilitin lalo na kung iyon pa ang makakasira sa pinag samahan natin.”
“Thank you for always being understanding, Kairon.”
Ngumiti sya ng matamis sakin. “Pero sana walang mag babago sa samahan natin, ha?”
“Syempre naman.” Nguniti rin ako sakanya.
“Tapos na kayong mag usap?” Parehas kami napatalon ni Kai. Agad bumungad samin si Liam na nakasandal roon sa pader na nasa gilid at nakapamulsa ang dalawang kamay. Napalunok ako, habang pinag mamasdan syang palapit samin. Shit! Kanina pa ba sya dyan? “Kung tapos na kayo, baka pwedeng kami naman ng kapatid ko ang mag usap?”
Pinigil ko ang pag ngisi. Kilala ko ang dalawang ito. I'm sure pag katapos nilang mag usap ay magiging okay na rin sila.
“Sure,” Tugon ko. “Maiwan ko muna kayo—”
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
