Kabanata 14
May laway
Enrollment na. Gusto ko sanang yayain si Liam pero bigla kong naalala yung mga sinabi nyang... “Three Not Allowed.”
Nag enroll akong mag isa. B.S in Nursing ang tinake kong kurso, kahit na B.S Tourism talaga ang gusto ko. Nag nursing ako para lang kay papa, gusto kong may matutunan kahit konti para maalagaan sya ng maayos. Nataranta ako at nag tago sa likuran ng kung sino nang matanaw ko si Liam kasama si Luisa sa di kalayuan sa pinipilahan ko. Shit! Alam kong sinabi nya na wag kami mag uusap sa public, pero hindi ko naman siguro kelangan mag tago, diba? Kainis!
“Miss okay ka lang?” Napatalon ako sa boses na yon nung babaeng nasa harapan ko.
Umayos ako sa pag tayo ko at ngumiti sakanya. “Oo, okay lang ako.”
“Anong course mo?” Biglang usisa nito.
“Ha? Ahmm, B.S nursing.”
Lumaki ang ngisi nya. “Talaga?”
“Oo—"
“Anong section?”
“1-B—"
“Oh my, mag ka-klase tayo!”
“Talaga?” Nakaramdam ako ng excitement kahit hindi naman talaga kami magkakilala.
“Oo, at mabuti na lang dahil may kakilala na akong ka-klase ngayon.” Ngumiti sya sakin. “By the way, I'm Grace Safia joy Corchez, Safia na lang for short.”
Agad kong tinanggap ang kamay nya. “Kazel Fei Liu.”
“Sabi na nga ba chinese ka, eh!”
Kumunot ang noo ko. “Ha?”
“Chinita ka kase.”
Napangiti ako. Halatang masiyahin at masarap kasama itong si Safia, at least ngayon kampante na akong may makakasama.
“Hay! Sa wakas! Natapos din tayo.” Nag-unat pa sya at halatang napagod talaga sa pagpila.
“Oo, nga.
“Babe!” May biglang sumpot sa tabi namin.
“Oh, babe.” Tugon ni Safia na sumigla bigla. May boyfriend pala sya?
“Tapos ka na mag enroll?”
“Oo, katatapos lang. By the way, si Kazel nga pala new classmate ko sya.” Pakilala nya sakin.
“Hi Kazel.” Bati nito sakin, medyo nagulat ako at nailang kaya hindi ako nakasagot. Ngumiti lang ako at tumango sakanya.
“This is Xander my Boyfriend and Ashton our friend.” Pakilala nya sa dalawa.
“Alam mo ba yung mga tungkol sa U-Prince?”
Kumunot ang noo ko sa tanong nya. “U-Prince?”
“Yup, bawat course rito sa University natin may mga U- Prince Ambassador at itong si Xander ang U-Prince ng B.S Architecture at si Ashton naman ang U-Prince ng B.S accountancy.”
“Talaga? May mga ganon dito?” Inosente kong tanong na may kasamang curiousity.
“Oo, at everytime na ga-graduate ang isang U-Prince, mag kakaroon ulit ng bagong U-Prince na papalit sakanya.”
“Ah, so para silang Presidente ng student council?” Parang doon ko kase sila naiisip na ihalintulad.
“Ahmm, nope. Para silang mga Prince charming.” Inilapit ni Safia ang bibig sa tenga ko. “Hindi lang kase matatalino ang mga nagiging U-Prince, mga gwapo pa!”
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
