Kabanata 26

741 23 2
                                        

Kabanata 26
Kamusta Kai

Kinusot ko ang mga mata ko kinabukasan. Wala na si Liam pagmulat ng mga mata ko siguro ay sa sofa talaga sya natulog? Bumangon na ako at bumalik sa kwarto ko para mag toothbrush at mag hilamos. Sabado ngayon kaya pupunta ako ng palengke.

“Gising ka na pala.” Nasabi ko ng makita ko syang nag uunat na

Uminit ang pisngi ko ng pasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko. Black t-shirt, maong short, black sandals with black sling bag ang suot ko.

“San ka pupunta?” He asked.

“Ah, p-pupunta ako ng bayan para bumili ng lulutuin na dadalhin sa hospital—"

“Na ganyan ang suot?”

Napaangat ang dalawang kilay ko. Nagugulat sa tanong nya. Bakit? Ano naman mali sa suot ko?

“Mag palit ka ng pants, sasamahan kita.”

Nanlaki ang singkit kong mga mata. “Seryoso ka?”

“Of course, satin dalawa ako ang mas may alam pag dating sa pag luluto at pamimili ng mga ingredients.” Pagyayabang nya.

Daig ko pa pinitpit na luya dahil sa pinag sasasabi nya. Eh, sa mas magaling nga ako sa tikiman ng pag kain, ih! Masama ba yon?

“Mag palit ka na.”

“Ah, okay,” Mabilis akong pumihit para talikuran sya. “Oo nga pala, p-pano kung may makakita satin don?”

Ngumisi sya na nag patindig sa balahibo ko.

“Hindi naman nag pupunta ng bayan si Luisa at isa pa, meron naman face mask para walang makakilala satin.”

HRM student ba sya o triminal? Masyado syang planado, ah?

Nag pants ako tulad ng gusto nya, itinali ko ang aking buhok at parehas kaming nag suot ng mask.

“Tara?”

Tumango ako sakanya. “Okay.”

Nauna sya sa pag lalakad, habang nakasunod naman ako sakanya, sabado ngayon kaya medyo madaming tao.

“Bumili muna tayo ng manok?”

“Okay.” As you wish.

Mabilis ba syang mag lakad o mabagal lang ako? Medyo naiiwan na kase nya ko, ih!

“Li—"

“Ayy!”

Natigilan ako dahil sa tili ng isang nanay na nakasalubong ko, nalaglag kase iyung mga patatas na pinamili nya, kaya mabilis ko syang tinulungan sa pag pulot ng mga ito.

“Ito po.” Iniabot ko ang patatas rito.

“Salamat, hija.”

Tipid akong ngumiti sakanya at mabilis na hinanap ng tingin si Liam. Shit! Asan na sya? Luminga linga ako, pero hindi ko parin talaga sya makita kaya nag simula ng kumalabog ang dibdib ko.

“I got you.”

Napatalon ako ng may mapangahas na humawak sa kamay ko, pumihit ako at nilingon sya. Para akong nabunutan ng malaking tinik ng maaninaw ko ang mukha Liam.

“Liam...”

“Wala pa tayong 30 minutes dito na wawala ka na kaagad.”

Napatungo ako sa hiya. “Sorry—"

“It's okay? Let's go? Madami pa tayong kelangan bilin.” Ngumisi sya sakin at nag simula na ulit sa pag martsa.

Kinagat ko ang labi ko, habang pinagmamasdan ko ang kamay naming mag kahawak. Libo-libong kuryente ang nararamdaman kong gumagapang mula sa aking kamay papunta sa buong sistema ko.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon