Kabanata 52
I love you“Ano game tayo bukas sa RMV Bar?” Tanong ni Lujille samin.
Bukas na kase ang opening ng RMV Bar na pag mamayari ng Vizconde cousins. Sigurado ko na pupunta lahat ng U-Prince roon, kaya panigurado rin na dudumugin ng mga estudyante rito ang opening na iyon, hindi lamang dahil sa discount na makukuha nila kundi dahil narin sa mga U-Prince na pinag papantansyahan ng lahat. Well, sorry na lang sila, dahil asawa ko na ang isa sa mga yon.
“Game ako.” Si Jassy
“Ikaw Kazel?”
Tumunganga sila sakin na para bang hinihintayin talaga nila ang pag sagot ko.
“Not sure pa.”
Sabay bumagsak ang balikat nila. Hindi pa kase ko nakapag paalam kay Liam, ayoko naman mag kagulatan kaming dalawa doon.
“Ang KJ mo talaga.” Ngumuso si Lujille sakin.
Napakamot ako sa ulo. “Basta bukas maaga pa lang inform ko na kayo kung makakasama ko.”
Maaga ang uwian namin ngayon kaya dederetso muna ako sa restaurant nila tita Karen para dalawin sila ni tita Joy. Simula kase ng mawala si papa ay nag trabaho na rin si tita Joy doon sa restaurant bilang assistant cook ni tita Karen, para kumita ng pera at para narin malibang ng sa gayon ay hindi nya lagi maisip si papa.
“Kazel?”
Nilingon ko yung may pamilyar na boses na tumawag sakin. Agad kong naaninaw ang nakangising si Kai.
“Kai—”
“Sige una na kayo, susunod na lang ako.” Paalam niya sa tatlong lalake at dalawang babaeng kasama nya. Siguro ay mga ka-klase nya yon.
“Sige, sunod ka kaagad.” Wika nung isang cute na babae
“Okay.” Pinag masdan ko syang nag martsa palapit sakin. “Long time no see.”
Mag isang buwan narin kase yata mula nung huli kaming nag kita?
“Oo nga, ih. Nasa iisang university na lang tayo pero ngayon lang tayo nag kita rito.”
First year college na itong si Kai, B.S Management ang kursong kinuha nya.
“Kaya nga. Masyado kasing maluwang itong campus— uwian mo na ba?”
Tumango ako. “Pupunta ako ngayon sa restaurant nyo para dalawin sila tita Joy.”
Ngumuso sya. “Sayang naman, hanggang 5 pm pa kase yung klase ko—”
“Okay lang yon,” Bahagya kong tinapik ang balikat nya. “Kapag nag tugma yung schedule natin labas tayo tulad ng dati.”
Lumaki ang ngisi nya. “Sure.”
“Sige na, baka hinihintay ka na ng mga ka-klase mo.”
“Oo nga, sige mauna na ko. Ingat ka.”
Ngumisi ako at tumango sakanya. Sinundan ko ng tingin ang pag martsa nya palayo sakin.
“Hello po.” Bungad ko sakanila, habang busy sila sa pag ku-kwentuhan.
“Andito ka pala, hija.” Si tita Karen.
“Kamusta ka na? Yung pag-aaral mo, kamusta?” Tanong ni tita Joy. She looks okay now.
“Maayos naman po,” Naupo ako sa tabi nila. “Kayo po ni Johan? Kamusta?”
“Maayos naman kami, mabuti na nga lang at napasok ako ng trabaho rito, at least kahit papano ay nalilibang ako.”
![](https://img.wattpad.com/cover/134050829-288-k224181.jpg)
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Novela Juvenil"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...