Kabanata 19
Pina-alalahanan
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na. Masyado yata akong nag enjoy sa pakikipag kwentuhan kay Kai, kaya naman hindi ko kaagad napansin yung oras.
“Naku. 7 pm na pala, kelangan ko nang umuwi.” Paalam ko kay Kai na katabi ko dito sa sofa
“Ano? Ang aga pa, ah, mamaya na.”
Kumunot ang noo ko. “Ha? Pero...”
Ayoko pa naman talagang umuwi, syempre kung pamimiliin ako mas gugustuhin kong manatili rito kasama si Kai pero...pero hindi na yon pwede ngayon, hindi na ganon kadali. Kelangan ko nang umuwi at mag luto para pag uwi ni Liam ay may madatnan naman syang pag kain.
“Dito ka na mag dinner.” Anyaya pa nya.
“Ano kase—"
“Oo nga naman anak, dito ka na mag dinner at para makapag uwi ka rin ng dinner para kay Liam.” Singit ni tita Karen.
Kinagat ko ang labi ko at tumango na lang sakanya. So, ayon wala na kong magagawa dahil si tita Karen na mismo ang nag alok sakin.
“Don't worry, ako nang mag hahatid sayo.”
As in, tumindig talaga ang balahibo ko sa kindat nya. Hindi naman sa maharot ako pero talagang kinatuwa ko yung sinabi nya. Maisip ko pa nga lang na si Kai mismo ang mag hahatid sakin pauwi ng apartment ay parang sasabog na sa sobrang saya itong puso ko. Grrr!
“Kai, Kazel, hon. Kain na tayo.” Sigaw ni tita Karen mula sa dining area.
“Okay ma.” Wika ni Kai pabalik. “Let's go?” Nakangisi nyang aya sakin.
Ngumisi rin ako at tumango sakanya. Naupo ako sa tabi ni Kai ng makarating na kami sa dining area.
“Oh, hon ikaw nang mag hatid mamaya rito kay Kazel, ah?”
“Okay—"
“Ako na lang po.”
Sabay-sabay kaming napatingin kay Kai.
“Ahmm, ako na pong maghahatid sakanya.”
“Hindi pwede, gabi na.”
“Pero ma, kaya ko naman—"
“Kahit na, delekado na sa labas lalo na at mag isa ka lang pabalik.”
“Oo nga naman, tama ang mama mo. Kung gusto mo sumama ka na lang sa pag hatid pero ako ang mag da-drive.” Si tito Zheng naman.
Kitang kita ko ang pag kabigo sa ekspresyon ni Kai. Sabagay kahit naman ako sobrang na dismaya sa mga pangyayare. Nang matapos na kami sa pag kain ay tumulong naman ako sa pag huhugas ng mga pinggan, habang panay naman ang pag lagay ni tita Karen ng kung ano-anong pag kain sa mga tupperware.
“Oh. Itong dumplings, i-steem mo na lang bukas ng umaga para may almusal kayo.”
“Naku, tita—" Napalunok ako. “M-Mama, parang sobrang daming pagkain naman po nyan?” Naiilang kong sabi.
“Ano ka ba, anak okay lang to. Yung iba naman dito pwede nyong i stock sa refrigerator.”
“Naku, m-mama, s-salamat po.”
“Wala yon anak, kapag may kelangan kayong dalawa ni Liam wag kayong mahiyang lumapit samin nila tita Joy nyo, ha?”
Tumango ako sakanya. “Opo, maraming salamat po.”
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfic"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
