Kabanata 21

701 21 0
                                    

Kabanata 21
Movie

“Salamat.” Usal ko ng maihatid na nya iyung humper sa garahe namin.

“Tulungan na kitang mag sampay—"

“Naku! wag na, kaya ko na yan.”

“Tulungan na kita,” Pinanuod ko syang kumuha ng damit at nag sampay. “W-Wala ka bang lakad ngayon?”

Simula kase nung tumira kami rito, kahit weekends ay umaalis sya.

“W-Wala, na cancel na.”

Tumaas ang isang kilay ko. “Ininjan ka ng ka-date mo no?”

“Hindi no!” I heard the bitterness in his tone.

“Naku! Sige, deny pa.” Pang aasar ko sakanya.

“Kulit mo.”

Halos mapatili ako ng wisikan nya ako ng tubig sa mukha kaya agad akong gumanti sakanya. Tumakbo ako pag tapos non. Hinabol nya ko, para kaming mga batang nag hahabulan. Nakakamiss! Hinawakan nya ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay nya saka nya paulit ulit na winisikan ng tubig ang aking mukha. Panay ang tili ka, habang panay ang halakhak nya.

“Tama na, suko na ko.” Hinihingal kong pagsuko.

“Ang cute mo.” Hagikgik nya.

“Mas cute ka.” Humalakhak ako ng tawa.

Konti konting napawi ang tawa nya. “Sinabi mo bang cute ako?”

Uminit ang pisngi ko. “Ha? H-Hindi no!”

Shit! Bakit ba ko na a-awkward? Halos mapunit ang labi ko dahil sa pag kagat ko rito.

“Sinabi mo mas cute ako.”

“Hindi no! Sabi ko mas cute talaga ko.”

“Naku, Kazel.”

“Mag sampay ka na lang.” I looked away.

Ngumisi sya at sinunuod na lang ako.

“Ahmm, o-oo nga pala may kaibigan akong nag aalok sakin ng part time job.”

Kumunot ang noo nya at natigilan saglit. “Part time job?”

Tumango ako. “Sabi nya kase may tito syang designer, pinakita raw nya yung picture ko at gusto raw ako mameet ng tito nyang gay para gawin model sa mga gown na dini-design nya.” Masaya kong balita sakanya.

“Magiging abala lang yon sa pag aaral mo.” Giit nya. Batid ko kaagad na hindi sya sang-ayon.

“H-hindi naman siguro, magiging on call lang naman ako ron, pag nakatapos na ng isang design saka nila ako tatawagan.”

“Sa umpisa lang yung sinasabi nilang on call pag nag tagal pipilitin ka na rin nilang sumali sa mga fashion shows, magiging malaking abala lang iyon sa pag aaral mo.”

Napangiwi ako, bakit parang si papa narin sya kung umasta?

“Pero malaking bagay na rin yung perang kikitain ko ron para pangdagdag sa gastusin natin dito—"

“NO!” Napatalon ako sa sigaw nya.

“Pero—"

“Kung meron man dapat tumulong at mag trabaho satin, ako yon dahil ako ang lalake.”

As in, literal talagang nalaglag ang panga ko. Kelan pa sya naging ganito ka matured?

Nang sumunod na araw ay sabay kaming sumakay ng jeep papunta sa school. Kinirot ang puso ko ng maupo sya sa tabi ng babaeng nasa harapan ko imbis na sa tabi ko. Sa totoo lang ang hirap talaga ng ganitong sitwasyon, yung tipong pag labas namin ng bahay dapat hindi na kami mag kakilala?

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon