Kabanata 13
Hihintayin kita“Napag kasunduan na naming lahat, na yung isang pinto, roon sa apartment natin sa bayan ay ibibigay na namin sainyong dalawa ni Liam…para makabukod na kayo!”
Tumunganga ako, at sinubukan iproseso sa utak ko ang mga sinabi ni tita Karen.
“Bilang mag asawa na kayo, kelangan nyo ng bumukod kaya ayon na ang gift namin sainyo.” Si tita Joy.
Sabay nalaglag ang panga namin ni Liam. As in, sumayad na yata, hanggang sa sahig yung panga ko.
“P-Pero pa, tito. H-hindi nyo naman na po kami kelangan pang—"
“No, Liam, kami ang nag sabi na mag pakasal na kayo, kaya hayaan nyo na kami ang maging responsible sa lahat.” Si papa.
“Tama yon anak, wag nyo isipin na porket kasal na kayo ay wala na kaming pakealam sainyo. Estudyante parin kayo, kaya responsibilidad parin namin kayo.” Si tito Zheng. “Kami ng bahala sa lahat.”
Ang bilis talaga ng mga pangyayari, apat na araw pa lang ang nakalipas ng ikasal kami, tapos simula bukas titira na ako sa ibang bahay at kasama pa si Liam. OH MY GOSH!
Nag simula na kami sa pag lilipat kinabukasan. Kasama namin ang pamilya ko at pamilya ni Liam, maliban kay Kai. Sabi ni tita Karen hindi sya umuwi kagabi, nag overnight daw si Kai sa bahay ng isang kaibigan. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na baka iniiwasan lang nya kami.
“Shit!” Mura ni Liam na nakatayo sa gilid ng hagdanan.
“May problema?”
Napatalon sya. “Ha? W-Wala—"
“Si Luisa ba?” Hindi sya kumibo. Nag iwas lang sya ng tingin sakin. “Okay lang na mag sabi ko sakin, hindi naman kita isusumbong.”
Mapait syang napangisi. “It's cheating, you know?”
Naupo ako sa hagdanan at nag pangalumbaba. “Saang paraan naman? She's your girlfriend.”
“Yes, but—"
“Like what I said before, marriage is more than enough for me, kaya hindi mo kelangan ma-guilty kung hindi mo kayang maging asawa sakin, at kung hindi mo kayang itigil ang pagiging boyfriend sakanya.”
Nag tagis ang bagang nya. “Okay, then from now on, you are not allowed to talk to me in pubic, you are not allowed to tell anyone that I’m your husband, you are not allowed to tell anyone that we live together.”
Tumindig ang balahibo ko, hindi ko alam kung bakit bigla sya naging ganito ka-seryoso.
“Pati ang kausapin ka?”
“Yes, ayokong magkaroon ng kahit anong hint si Luisa tungkol satin dalawa. Kung may kelangan kang sabihin, you can call or text me.”
“Liam, we need some help here.” Sigaw ni tita Karen sakanya.
“Okay ma, coming.” Sigaw nya pabalik.
Ayoko syang ma-offend pero mas ayoko naman na pigilan syang makipag kita kay Luisa at umastang asawa nya. Masyado nang nagulo ang buhay nya, dahil sa pag papakasal sakin, kaya kung may magagawa man ako para makabawi sakanya, yun ang suportahan ang relasyon nila ni Luisa.
“Oh, pano? Maiwan na namin kayo rito, para naman ma-enjoy nyo ang bago nyong bahay.”
Uminit ng husto ang pisngi ko sa tono ni tita Karen. Ang green minded ko na ngayon. Damn!
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...