Kabanata 45

744 28 0
                                    

Kabanata 45
Let's go

Ang bilis ng araw, halos hindi ko na napansin na bukas na pala ang bakasyon namin sa Baguio. 5 days kami mag stay doon sa rest house ng pinsan ni tita Karen. Si papa at tita Joy lang ang hindi makakasama samin, dahil sa sitwasyon ni papa. Ako, si Johan at Liam ang mag kakasama sa kotseng binigay nila tita Tao, habang si tita Kare, tito Zheng at Kai naman ang nakasakay sa bagong sasakyan nila. Sa dami kase ng dala namin gamit hindi kami kakasya sa iisang sasakyan lang. Naupo ako sa front seat, si Johan naman sa back seat. 8 am pa lang ay nag byahe na kami kaya hindi na namin nagawang kumain pa sa bahay kaya nag drive thru na lang kami.

“Ate gusto ko ng chicken and rice.”

“No rice Johan, baka mag suka ka pa r'yan, pag dating natin don saka ka mag rice.”

“Pero ate…gusto ko ng rice, hindi ako susuka, promise!”

“Johan, you should listen to your ate, mag chicken and burger ka na lang muna, okay?”

“Okay kuya.” Buntong hininga nya.

Nag simula na kami ni Johan sa pagkain, habang si Liam ay busy parin sa pag da-drive.

“Hindi ka ba kakain?”

“Pano?” Ngumisi sya na para bang ang tanga ko at hindi ko yon naisip.

Kinagat ko ang labi ko at inilapit sa bibig nya yung isang burger.

“Oh…” Nilingon nya ko saglit bago ulit nag focus sa pag da-drive nya.Oh!” Tumaas ang tono ko at lalong inilapit sakanya yung burger.

Ngumisi sya. “Ang sweet talaga ng asawa ko.” Mabilis nyang kinagatan ang burger na hawak ko. Hindi ko alam kung nang aasar ba sya o ano. “Pengeng fries?”

Tumaas ang isang kilay ko. Aba! Abuso naman pala.

“Here…” Usal ko at inilapit sa bibig nya iyung fries.

Lumaki lalo ang ngisi nya at sinubo ito.

“Pwede na rin ba akong mag asawa?”

Sabay namin nilingon si Johan sa back seat na titig na titig samin ni Liam.

“Anong sabi mo? Masyado ka pang bata para isipin yung mga ganyang bagay!”

“Nakakaiingit kase kayo ni kuya, sobrang sweet nyo.”

Nag katinginan kami ni Liam. Bigla akong nailang, kaya napaayos ako ng upo. Halos anim na oras ang naging byahe namin papunta sa Baguio kaya tag gutom kami ng makarating kami roon sa rest house ng pinsan ni tita Karen. Mabilis inagaw ni Liam iyon baleta ko at ipinasok sa rest house ng kanyang tita. Nauna sila tita Karen na nakarating samin kaya ayon, pag dating namin ay nakaready na ang pagkain.

“Mabuti na lang talaga at nag baon ako nang lunch natin, malayo pa naman ang mga restaurant dito.”

“Oo nga honey, napaka genius mo talaga.” Si tito Zheng.

In fairness naman sakanila, ha? Kinilig ako.

“Sige na kumain na tayo, sigurado gutom na kayo, lalo na si Johan.”

Humagikgik kami ng tawa. Inimas ni Liam ang kanyang tiyan ng matapos na kaming kumain. “Busog…”

“Takaw!” Bulong ko.

“What did you just say?”

“Sabi ko, kung sino yung nabusog sya yung mag huhugas ng mga pinggan.” I smirked.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon