Kabanata 22
Hintayin mo koNaging mabilis ang paglipas ng panahon, 6 months na kaming kasal at nagsasama ni Liam sa iisang bahay pero wala parin nag babago sa pakikitungo namin sa isa't-isa, para samin ay para parin kaming magkapatid.
Second sem na at wala parin nag bago, si Safia parin ang kasama ko at sila parin ni Xander. Isa lang naman yung nakikita kong pagbabago ngayon, yun ay ang pagiging bagong U-Prince Ambassador ni Liam sa College of Hotel and Restaurant Management. Sabi nila ngayon taon daw pinaka matunog ang mga U-Prince, dahil tatlo ang bagong U-Prince ngayon. Hindi naman talaga maitatanggi ang kasikatan nila, dahil sa loob lang ng halos isang linggo, pagkatapos maipakilala ang mga bagong U-Prince ay naging sobrang matunog na ang kanilang pangalan. Hanggang dito nga sa College of Nursing ay bukang bibig sila ng mga estudyante.
“Grabe, sobrang sikat ng mga bagong U-Prince ngayon,” Buntong hininga ni Safia. “Balita ko lahat ng bago ngayon talagang mga gwapo at hot,” Kuminang ang kanyang mga mata. “Lalo na ang bagong U-Prince natin syempre!”
“Talaga?” Tanging nasabi ko at nag kunwareng interesado sa mga kwento nya.
“Oo.”
“K-Kung pamimiliin ka sa mga U-Prince, sino pipilitin mo?”
Seriously, hindi ko talaga alam kung san galing yang tanong ko.
“Syempre, sa U-Prince parin ako ng B.S Architecture. Kay Xander my’loves.” Kinikilig talaga nyang sabi.
Grabe may mga ganitong tao pa pala no? Yung kahit mahigit apat na taon na sila ay ganon parin yun kilig nila sa isat-isa? Hindi ko maiwasan mainggit! Hays.
“Uy! Tignan mo? Diba, U-Prince yung mga yon?”
Narinig ko kung saan kaya napalingon ako sa bandang likuran ko. Agad kong naaninaw ang maamong mukha ni Liam na nakikipag tawanan sa tatlo pang lalaking kasama nya na hindi ko naman kilala, pero ayon nga sa mga babaeng narinig ko ay mga U-Prince din ito.
“Grabe ang ga-gwapo nila.” Buntong hininga ni Safia sa tabi ko na halos tumulo na ang laway.
“U-Prince sila?” Natanong ko ng wala sa sarili.
“Yung tatlo lang. Yung gwapong matangkad na may hawak na camera, yun si Brex Louie Ortegas U-Prince ng B.S Fine Arts. Yung gwapong matangkad na chinito yun si Liam Tyner Yu, U-Prince naman ng HRM. Yung naka brace naman na mukhang anime ang kagwapuhan yun si John Axel Quirrez, ang U-Prince natin at yung gwapong moreno, ahmm. H-Hindi ko sya kilala, pero ang gwapo rin nya at ang lakas ng sex appeal.”
Ewan ko ba, pero lahat yata ng U-Prince sa buong history kilala nitong si Safia at sa sobrang friendly nya pati ibang U-Prince ay ka-close na nya.
“Ganon ba?” Usal ko, habang deretso parin ang tingin kay Liam.
“Anong ganon ba?” Hinila nya ang braso ko. “Tara lapitan natin sila—"
“No!” Mabilis kong binawi ang braso ko sakanya.
Namutla sya dahil sa oa na reaksyon ko. “B-Bakit? May problema ba?”
“S-Sorry, wala. Tara b-baka malate na tayo sa second class.” Nauutal kong sabi.
“Okay?” Nakakunot noo'ng sabi nya.
I swear, mas naging mahirap ang sitwasyon namin simula nung maging U-Prince sya, ngayon kase ay mas madami ng matang nakatingin sakanya.
Isang araw hindi pumasok si Safia, may quiz pa naman kami, kaya ilan beses ko syang sinubukan kontakin maging si Xander, pero wala ni isa sakanila ang nakausap ko. Maging ang fb account nila ay parehas naka deactivated. Sobra akong nag aalala pero wala akong magawa dahil hindi ko naman alam ang mismong bahay nila.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...