Kabanata 51
Yung totoo
Naging maayos naman ang relasyon namin ni Liam simula nung araw na yon. Start na ulit ng klase, second year college na kami at ka-klase ko parin si Lujille at Jassy, dahil sabay-sabay kaming nag enroll. Tumunog ang cellphone ko, habang nag lalakad kami papunta sa building namin kaya agad ko itong kinuha sakin bag para i-check. Kuminang ang mga mata ko ng makitang si Liam iyong nag text kaya mabilis kong ini-open yung message nya.
Liam: love, andito na ko sa classroom, ikaw?
Para akong baliw na napapangiti rito. Kainis ang ka-sweetan nya.
Ako: naglalakad pa lang kami love, papunta sa building namin.
Mabilis naman sya nag reply.
Liam: okay, love. Enjoy your first day. Wǒ ài nǐ.
Kinagat ko ang labi ko, para pigilan ang pag tili ko.
Ako: I love you too.
“Guys, nabalitaan nyo na ba?” Nilingon ang nagsalitang si Jassy.
“Ha? Ano yon?” Si Lujille na nasa kaliwa ko naman.
“Balita ko kase si Brex at Ruwesha na raw.”
Literal na nalaglag ang panga ni Lujille, habang wala naman akong pinakitang ekspresyon. Ano naman nakakagulat don? Napaka perfect match nga nilang dalawa.
“Seryoso ba? Kelan pa?”
“Ewan lang, pero mag kasama pa nga raw sila nung enrollment.”
“Hays! Kainis naman, nabawasan na naman yung U-Prince na single.” Buntong hininga ni Lujille.
“Oo nga, una si Liam at Raizer sunod si Ysaiah at Johan tapos ngayon si Brex?”
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Jassy. Oo nga naman, syempre kilala nila si Luisa bilang girlfriend ni Liam.
“Speaking of Liam, may tsismis din pala ko tungkol sakanya.”
Lumaki ang tenga ko sa sinabi ni Jassy. Tumunganga ako sakanya, at hinintay ang kanyang sunod na sasabihin.
“Ano yon? Dali…spill the tea!” Curious na curious si Lujille. Pero ako parin ang pinaka curious.
Parang kriminal na luminga-linga si Jassy sa paligid saka ito biglang huminto sa pag lalakad kaya napahinto rin kami ni Lujille. Bahagya rin nyang inilapit ang mukha nya samin.
“Ganito kase yon,” Bulong nya. “Sabi kase nung pinsan kong B.S Education 3rd year, last month daw nung time na na hospital yung mama ng boyfriend nya nakita raw nya si Liam sa hospital na yon, na may kasamang ibang babae.”
What the hell? Teka, ako ba yon?
“Ano?! Si Liam?”
Mabilis tinakpan ni Jassy ang madaldal na bibig ni Lujille. “Huy! Ang ingay mo!”
“Sorry,” Bulong nya. “Legit ba yang tsismis mo? Baka naman si Luisa yon?"
“Hindi, maputi raw yung babae at maganda, morena si Luisa, diba?”
Napangiti ako. Maputi at maganda raw? Mukhang ako nga yun, ah? Hihihi…
“So, you mean two timer si Liam?”
Napangiwi ako sa tanong ni Lujille. Tsk! Mga tsismosang 'to!
“Parang ganon na nga—”
“Hindi yan totoo!” Nasabi ko ng wala sa sarili.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
