Kabanata 56

930 22 6
                                    

Kabanata 56
I love you

“May mga bisita ka bang darating anak?”

“Yes, ma. Darating po yung mga close friends ko at mga close friends ni Kazel.”

In-invite ko kase si Jassy, Lujille at Safia, syempre alam nyo naman, pangarap ni Jassy at Lujille na makabonding ang mga U-Prince. Syempre invited rin si Raizer, Brex, Ruwesha, mag kapatid na Axel at Heduey, at iba bang U-Prince.

“Sana lang ay maabutan namin yung mga friends nyo, alam nyo naman na kelangan pa namin bumalik agad sa restaurant.”

2 pm ng isa-isang dumating ang mga bisita namin. Nauna si Lujille at Jassy, mukhang excited talaga sila, ih. Sunod si Brex kasama si Ruwesha. Sunod naman ay ang mag kapatid na si Axel at Heduey, at sunod si Luhan, Ranel at iba bang U-Prince. Wala ang mag kapatid na Ysaiah at Ashton dahil busy ito sa RMV bar. Doon na lang daw sila makiki join samin.

“Mabuti at nakarating kayong lahat, kain lang kayo ng kain.” Si tita Karen.

“Salamat po.” Anila.

“Bakit wala pa si Raizer?” Tanong ni Liam sa mga kaibigan.

“Naku, hindi ka pa nasanay don, alam mo naman na lagi yon late.” Sagot ni Brex.

“Wala parin si Safia, ah? Teka nga tawagan ko lang.”

Agad kong dinial ang numero nya. Medyo matagal bago nya ito sagutin.

“Hello? Safia asan ka na?”

“Ha? Eh... A-Ano kase Kazel, baka hindi na—”

“Oh, weirdo andyan ka na pala? Anong ginagawa mo rito sa labas?”

Narinig ko mula sa kabilang linya. Boses iyon ni Raizer kaya I'm sure nasa labas na sila.

“Andyan ka na ba? Sige lalabas ako.” Sabi ko at sinundo na sila sa labas.

Nadatnan ko sila ni Raizer sa tapat ng gate namin. Halatang iritado na naman si Safia, siguro ay inasar na naman nitong si Raizer. “Mabuti na lang at hindi ako naligaw.” bungad ni Raizer.

Ito kase ang unang pag kakataon na makakadalaw silang lahat rito sa bahay namin.

“Tara, pumasok na tayo?” Sabi ko sabay kapit ko sa braso ni Safia.

Agad kong pinaupo si Safia sa tabi ni Jassy at Lujille. Mag kakakilala naman sila dahil isang sem rin kami naging mag kakaklase.

“Pano, maiwan na namin kayo? Kelangan na rin namin bumalik sa restaurant.” Paalam ni tita Karen samin lahat.

“Sige po, ingat kayo.”

“Happy birthday ulit, hijo.”

“Thank you po.” Sagot ni Liam.

Inihatid namin sila sa labas. Naiwan si Kai, dahil sasama pa sya mamaya sa RMV bar kung saan ipag papatuloy namin ang birthday celebration ni Liam. Mamaya ay kompleto na ang lahat ng U-Prince.

“Happy birthday!”

Sigaw namin at sabay-sabay itinaas ang kanya-kanya namin beer.

“Don't drink too much.” Bulong ni Liam sa tabi ko.

Ngumiti ako at tumango sakanya. “Yes, Love.”

“Kuya? Kazel?”

Sabay kami nag angat ng tingin kay Kai. “Si Lovelyn pala, ahmm, g-girlfriend ko.” Pakilala nya sa maganda nyang kasama.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon