Kabanata 41
Ang ganda mo“Huy! Kazel? Anong problema? Bakit kanina ka pa tumatanggi makipag sayaw dyan?”
“Oo nga, sayang yon. Oh, may hitsura pa naman.” Pag tukoy naman ni Jassy sa lalaking kakalapit lang sakin.
Wala na kong lakas para makipag sayaw pa. Pakiramdam ko ay parang jelly'ng nanlalambot ngayon ang mga tuhod ko. Para akong mag kakasakit ngayon sa nakikita ko. Sakit sa puso!
Lalong piniga ang puso ko nang makita silang mag kahawak kamay na nag martsa paalis doon sa dance floor. Hindi ko alam kung kelan pa nag simulang maging madumi ang isip ko, pero walangya, hindi ko maiwasan isipin na baka kaya sila aalis ay para mag punta sa lugar kung san silang dalawa lang ang tao. Damn it!
Tulala ako at wala na sa mood, habang ang lahat ay sobrang nag eenjoy pa. Kainis! Lumalabas na naman yung pagiging KJ ko. Ugh! Gusto ko nang matapos ang party na 'to para makauwi na!
“LAST SONG FOR TONIGHT!”
Halos mag protesta ang lahat sa sinabing yon ng emcee, habang ako naman eto at may halong lungkot at saya dahil sa announcement na yon. Masaya dahil after the last song pwede na akong umuwi at mag mukmok roon sa kwarto ko, malungkot dahil natapos ang event na'to na hindi ko man lang sya nasayaw o nakausap man lang. Alam ko naman imposibleng manyare yon pero ang saya sana, diba?
All my life,
I've prayed for someone like you..
And I thank God, that I...
That I finally found you...
And all my life...
I've prayed for someone like you..
And I hope that you feel the same way too..
Yes, I pray that you, do love me too...
Hooohh...
Napatunganga ako kasabay ng pag kawala ng luha sa mga mata ko, habang ninanamnam ko ang bawat lyrics ng kantang iyon.
“Kazel?”
Pasimple kong pinahid iyung luha sa mga mata ko, saka ako nag higab Kunware.
“Inaantok na ko.”
“Pano kang hindi aantukin eh, nag papaka KJ ka na naman dyan?” Ngumuso si Jassy sakin.
“Sorry, pagod lang talaga ko.” Pagod lang tong puso ko.
“Kung ganon tara ng umuwi? Mahirap makipag siksikan mamaya palabas.”
Umaliwalas ang mukha ko. “Sige tara?”
Sabay-sabay kaming tatlo na nag lakad palabas ng campus. Tama si Jassy mas okay nang mauna kami sa pag uwi para hindi na rin siksikan.
“Eto na pala sundo ko.” Ani Lujille.
“Sumabay ka na rin samin, Kazel.” Alok ni Jassy.
“Naku, wag na o-okay lang ako.”
Nasa iisang barangay lang silang dalawa kaya pwedeng pwede na silang mag sabay, pero yung subdivision namin nasa kabilang way pa kaya mapapalayo lang sila, hindi naman ako pwede mag pahatid sa bahay namin ni Liam, mahirap nang mag karoon sila ng ideya tungkol doon.
“Sumabay ka na, 1 am na delekado ng umuwi ka mag isa.”
“Okay lang talaga, papunta na rin yung sundo ko.” Pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...