Kabanata 10
Secret"Your fiance is here, just stay with him."
Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ni papa. Fiance? Hays! Kahit yata araw-araw ko iyon marinig ay hindi parin ako masasanay.
Ramdam ko ang titig ni Liam sakin kaya hindi ko magawang gumalaw.
"Excuse me po, but can I talk to my fiancee?" Nag angat ako ng tingin kay Liam.
"Okay, hijo. Go a head." Si papa.
Paulit-ulit akong napalunok ng mag salubong ang mga tingin namin dalawa. Sa paraan pa lang ng tingin nya ay kinakabahan na ako.
"Follow me." Utos nya, para naman akong na magnet at kusang sumunod sakanya. Sa garden kung saan walang tao kami nag punta. Humalikipkip sya at hinarap ako ng seryoso nyang ekspresyon.
"May mga kelangan akong linawin sayo." Pambungad nya.
"Kung ganon, pwede mo ba munan'g linawin ngayon sakin, kung bakit mo nasabi kanina na pakakasalan mo ko?" Gusto ko talagang malaman.
Tumaas ang isang kilay nya bago ako inismiran. "Bakit? Dismayado ka ba, dahil mas gusto mong si Kai na lang ang mag pakasal sayo?"
Namutla ako sa paratang nya. Kung ganon, narinig din pala nya pati yon? As in, lahat ng pinag-usapan namin ni Kairon?
Agad akong nag iwas ng tingin sakanya. "A-Ano ba yang sinasabi mo?"
Narinig ko ang pag ngisi nya, kaya nag balik ulit ako ng tingin sakanya.
"Pakakasalan kita, para kay tito Hutian at para sa kagustuhan ni mama at papa, hindi para sayo."
Naramdaman kong parang may tumusok sa puso ko. Naninibago at nasasaktan ako sa paraan ng pakikipag usap nya ngayon sakin. Hindi sya dating ganito. Hindi na sya yung dating Liam na parang kapatid ko.
"Pero p-pano si Luisa?" Natanong ko ng wala sa sarili.
Kinabahan ako sa sariling tanong ko.
"Mananatili ang relasyon namin dalawa, at hindi naman nya kelangan malaman ang tungkol sa kasal diba?"
Bahagya akong napatunganga at nag isip ng maigi sa kung anong ibig nyang sabihin... Paanong hindi naman kelangan malaman ng girlfriend nya?
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Sa China tayo ikakasal, may divorce roon, kaya hindi na tayo mahihirapan."
Lalo akong napanganga. Isa-isa kong ni-proseso sa utak ko ang mga sinabi nya, pero lintik, wala talaga akong makuha sa mga iyon.
"Pwede bang linawin mo sakin ang gusto mong sabihin?"
Nauubos ang pasensya nyang napabuntong hininga. "Okay, listen carefully. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Luisa, diba? Hindi ko sya kayang iwan. Tutal diba, ikaw na ang nag sabi sakin na kasal lang naman ang kelangan mo? Na hindi ko naman kelangan mag paka-asawa sayo?"
Para akong sinasampal ng katotohanan ngayon. Walangya! Masyadong komplikado ang mga sinabi nya, pero bakit gets na gets ko lahat ng yon?
Hanggang kelan kaya nya ipapamukha sakin na si Luisa ang mahal nya. Na pakakasalan nya lang ako, dahil napilitan sya? Alam ko naman na iyon lahat eh, pero nasasaktan lang talaga ako sa mga inaasta nya. Lumunok ako at pinilit na hindi mag pakita ng kahit anong ekspresyon sakanya.
"Oo, sinabi ko nga yon."
"Siguro naman naiintindihan mo ako, diba?"
"O-Oo. Oo naman."

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...