Kabanata 54
Safia Corchez
Nang mga sumunod na araw, naging usap-usapan na sa buong University ang relasyon namin'g dalawa ni Liam. May mga natuwa, may mga nainggit at syempre may mga nagalit, dahil ang buong akala nila ay inahas ko si Liam kay Luisa, pero tulad nga ng sinabi ko, hindi na ko matatakot as long as I have Liam at my side.
“Grabe, akala ko pa naman kaibigan ka namin! Bakit hindi mo pinaalam agad samin?” Giit ni Lujille sakin, habang nasa grandstand kaming tatlo.
“Oo nga, nung una hindi pa kami naniniwala sa balibalita na nag da-date na kayo tapos ngayon sasabihin mo samin na isang taon na kayong kasal—”
“Sshhh!” Agad kong tinakpan ang madaldal na bibig ni Jassy. “Ang ingay mo, diba nga secret lang muna yung tungkol don?” Bulong ko sakanya.
“Oo nga pala sorry.”
Wala naman nang dahilan para itago ko pa ang lahat sa mga kaibigan ko, kaya ikinuwento ko na lahat sakanila, mula sa bata pa lang ay mag kakilala na kami ni Liam, hanggang sa ipag kasundo kami at ikinasal.
“Grabe, hindi ko mapigilan hindi mainggit sayo, all this time namumuhay ka kasama ng napaka gwapong U-Prince? Napaka unfair ng earth.” Buntong hininga ni Lujille.
Okay na ko, kahit papano ay magaan na ang pakiramdam ko, dahil wala na akong tinatago sa mga kaibigan ko.
“Ang sarap din pala sa feeling na wala kang tinatago no, love? Lalo na sa mga kaibigan mo.” Sabi ko kay Liam, habang nakadukdok ako sa balikat nya.
“Tama ka dyan, actually inamin ko narin yon kay Luisa.”
“What?” Mabilis akong umayos sa pag kakaupo ko. “You mean? Yung ano, y-yung tungkol satin?”
Hindi ko makapa ang mga salitang gusto kong sabihin.
“Oo, inamin ko na sakanya lahat pati yung tungkol sa kasal natin.”
Napaawang ang bibig ko. Seryoso ba sya?
“Nagawa mo talaga yon?”
“Of course, diba sinabi ko naman sayo na hindi na ko maduduwag, para sayo.”
Mabilis namuo ang luha sa mga mata ko. Ano ba ang nagawa kong kabutihan para biyayaan ako ng ganito?
“Hey, what's wrong?” Bakas ang pag aalala sa tono nya.
Umiling ako sakanya. “Wala, masaya lang ako.” At mabilis kinusot ang mga mata ko.
Ngumisi sya at kinulong ang mukha ko sa dalawang palad nya. Nanlaki ang singkit kong mga mata ng maramdaman ko ang malambot nyang labi sa pisngi ko.
“From now on, I will do anything just to make you happy, I love you.”
“I love you too—”
Lalong lumaki ang ngisi nya at mabilis akong siniil ng halik sa labi. Malalim, matagal at nakakalasing ang halik na yon. Habang tumatagal talaga ay mas minamahal ko sya. Hindi ko na nga makita yung sarili ko na wala sya.
Ilan araw ang nakalipas, naging maayos naman ang lahat. Hanggang sa isang araw, papunta sana ako ng library ng biglang may tatlong babaeng humarang sakin, isa na don si Luisa.
“L-Luisa?” Nasabi ko ng wala sa sarili.
Humalikipkip sya at humakbang palapit sakin.
“Of course, you know me. Siguradong kilalang kilala mo yung taong inagawan mo ng boyfriend!” Sigaw nya sakin.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
