Kabanata 3

787 33 0
                                    

Kabanata 3
Kasalanan ko 'to

"Andito na po ako."

"Kamusta kayo sa school ni Liam?"

Ipinagtaka ko iyong tanong ni papa. Simula yata ng mag grade 12 kami ni kuya Liam, halos araw-araw na nya itong tinatanong sakin.

"Ayos naman po."

"Mabuti naman." Tumayo sya at hinarap ako. "Sa darating na sabado pala mag handa ka, doon tayo kela tito Zheng mo mag di-dinner."

Madalas kaming mag dinner na kasama ang pamilya Yu, lalo na kapag may kelangan i-celebrate o kapag may mga okasyon, pero ngayon lang sinabi sakin ni papa na mag handa ako. Bakit kaya? Para saan ang dinner na yon? Bakit kelangan kong mag handa eh, wala naman akong matandaan na may okasyon sa sabado?

"A-Ano pong meron non?" Natanong ko ng wala sa sarili.

"Pag me-meetingan natin ang magiging kasal nyo ni Liam."

Hindi kaagad nag sink-in sa utak ko iyong sinabi ni papa. Teka... KASAL? A-ANONG KASAL?

"K-Kasal namin? Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Bata pa lang kayo ni Liam ay napag kasunduan na namin ni Zheng na magkaroon kayo ng fix marriage."

Parang biglang nag echo sa pandinig ko iyong huling salitang binanggit nya.

"Fix marriage? Kami pong dalawa ni Liam? Pero pa, hindi po ba pang old passion na lang ang mga fix marriage ngayon-"

"Pero hindi sa atin mga chinese. Kaibigan ko ang tito Zheng mo at magkaibigan din naman kayo ni Liam, hindi ba? Sya ang panganay na anak ni Zheng kaya sya ang dapat mong pakasalan."

Shit! Seryoso ba 'to?

"Wala pa po akong 18-"

"18 ka naman na sa April, diba? Kaya sa darating na Mayo natin gaganapin ang kasal pag nag 18 ka na-"

"Pero pa, h-hindi naman po kami ni Liam, parang kapatid lang po ang turin namin sa isa't-isa." Paliwanag ko.

"Mag babago rin ang tingin nyo sa isa't-isa kapag naikasal na kayo."

Magbabago rin ang tingin namin sa isa't-isa? Pero ayokong ito ang maging dahilan para masira lahat ng pinag samahan namin. Ayokong ako ang maging dahilan para masira ang buhay nya. May girlfriend na si kuya Liam at mahal na mahal nya ito, at may gusto na rin akong iba... Si Kairon.

Lumunok ako at matapang na hinarap ang aking ama.

"No, pa! Ayoko po. Ayoko pong mag asawa ng maaga-"

"Tumahimik ka! Ako ang papa mo, kaya ako ang masusunod! Alam ko kung ano ang makakabuti sayo."

Naramdaman ko ang sariling takot, dahil sa galit nyang tono. Agad nag-init ang gilid ng mga mata ko. Walangya! Naiiyak na ko.

"Pano nyo po nalaman na iyon ang makakabuti sakin, kung hindi nyo naman po iniisip ang mararamdaman ko?" Nabasag ang boses ko.

"Bata pa lang kayo ito na ang desisyon namin ni Zheng, kaya wala na kayong magagawa."

"Pero pa-"

"Bilang babaeng anak, yan lang ang pwede mong magawa para sa pamilyang ito! Yan lang ang magiging silbi mo, kaya wag mo akong bibiguin!"

Para akong binuhusan ng malamig dahil sa sinabi ni papa. Nanatili ang paningin ko rito sa kinatatayuan nya kanina. Hanggang sa maramdaman ko ang pag bagsak ng mga luha ko.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon