Kabanata 34

703 25 1
                                    

Kabanata 34
You okay?

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin, suot ko ang isang pink korean shirt na naka take-in sa isang white fit pants na tinernuhan ko ng pink adidas. Huminga ako ng malalim at ipinusod ang mahaba at alon-alon kong buhok. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra ang kaba ko ngayon, masyado ako na co-confused sa suot ko. Kuminang ang mga mata ko ng makita syang nakatayo malapit roon sa pintuan suot nag kanyang white v-neck shirt na pinatungan ng kanyang denim jacket at black pants.

SHEEET! WHAT A PRINCE CHARMING!

Ngumisi sya ng mag tagpo na ang mga mata namin dalawa kaya kumalabog ang dibdib ko.

“Ready na kayong mag SM Tarlac?”

Kumunot ang noo ko sa tanong na yon ni Liam. What? Sa Tarlac? Bakit?

“Bakit SM Tarlac pa kuya? Eh, may Sm din naman dito satin.”

Eh, kase nga natatakot sya, baka kase may kakilala syang makakita samin na mag kasama at isumbong sya kay Luisa. Damn it!

“Ayaw mo ba yon? Malilibot ka sa malayo?”

“Gusto kuya, tara na?”

Tumakbo si Johan papunta sa kotse namin. Susunod sana ako sakanya sa passenger seat pero nagulat ako ng biglang buksan ni Liam ang pintuan sa front seat. Napatunganga ako sakanya, hindi agad nag sink in sa utak ko ang ibig nyang sabihin.

“Let's go?” Itinuro pa nya ang way papasok sa front seat.

“Thanks.” Usal ko ng makaupo na ako.

Isang oras at kalahati ang naging byahe namin mula Cabanatuan, hanggang SM Tarlac.

“Kain muna tayo?” Suggestion nya ng makababa na kami ng kotse.

“Okay.”

“Saan mo gustong kumain Johan?”

“Ahmm, sa—“ Tumingin sya sa taas na para bang nag iisip talaga sya ng maigi. “Sa Jollibee.”

Sabay kami napa face palm ni Liam. Nagisip pa sa Jollibee pa din pala.

“Okay, Let's go.” Ngumiti si Liam.

Ngumiti rin ako at napailing, saka kami sabay-sabay nag martsa patungo sa Jollibee.

“Kain ka ng madami Johan.”

“Okay, kuya.” Ngumisi si Johan at kinagat na iyung manok.

Kumunot ang noo ko, at pinanood si Liam, habang inilalagay nya sa plato ko iyung balat ng manok na ulam nya.

“What are you—"

“You liked chicken skin, right.”

Uminit ang pisngi ko. He really, knows me.

“So, what next?” Sabi ni Liam ng matapos na kami sa pagkain.

“Basketball!” Sigaw ni Johan sabay taas pa ng kamay nya.

Ngumuso ako. Basketball? Then, what? Manunuod lang ako sakanila? Hays!

“How about, watching movie? Then, after that basketball naman?”

Napalitan ng excitement ang ekspresyon ko. Hinawakan ko ang kamay ni Johan, habang papasok kami sa madilim na sinihang yon, nanigas ako ng maramdaman ko ang isang kamay ni Liam sa balikat ko.

As in, naramdaman ko talaga ang libo-libong nakakakiliting kuryente sa loob ng katawan ko. Naupo ako sa gitna nilang dalawa. Panay ang tawa namin dahil comedy itong pinapanood namin. Natigilan ako ng mag sabay ang kamay namin sa pag kuha ng popcorn kaya agad kami nag tinginan.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon