Kabanata 29
Like a queen
Liam?
Lumingalinga ako para siguraduhing wala kaming schoolmate na kasama rito sa jeep. Para akong nabunutan ng tinik, mabuti na lang at wala naman kaming schoolmate na andito. Nag pabalik-balik yung tingin ko sa bag nyang nasa hita ko at sakanya na deretso ang tingin sa cellphone.
“Para po!”
Bago pa ako makapag react ay naramdaman ko na ang malambot nyang kamay sa braso ko.
“Anong ginagawa mo?” Yan lang nasabi ko ng makababa na kami sa jeep.
Binitawan nya ang braso ko at hinarap ako.
“Sumali ka sa screening?”
“Ahmm, oo—"
“Bakit?”
“A-Anong bakit?”
“Ayaw mo nang mag pageant pa ulit, diba?”
“Oo nga, pero pinilit kase ako nung adviser namin kaya wala na akong nagawa.”
“Edi sabihin mong ayaw mo.”
“Hindi na pwede, nanalo na ako sa screening kanina. Ako na yung representative ng B.S Nursing sa Miss Intramurals.”
“Edi mag back out ka. Sabihin mo hindi ka na tutuloy sumali sa Miss Intramurals.” Seryoso nyang wika. Nakaramdam ako ng inis dahil don.
“It's nothing to do with you, kaya bakit?” Hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong mag bitaw ng ganitong salita.
Napansin kong medyo nagulat sya sa sinabi ko bago muling nagseryoso. “Just do what I said.” Maawtoridad nyang usal.
Teka, ano to? Bigla na lang trip na nya umarte bilang asawa ko?
“Inaasahan na ako ng buong B.S Nursing, kaya hindi na ko pwedeng umatras—"
“Kazel!” Nahugot ko ang sariling hininga sa biglang pag taas ng tono nya.
“What's your problem?!” Hindi ko na rin napigilan ang magtaas ng boses.
Hindi ko sya magets. Bakit ba sya nagagalit ng ganito?!
“Just do it.” Mas kalmado pero maawtoridad parin nyang utos.
“Nag-aalala ka ba na baka kapag sumali ako sa miss Intramural ay malaman ng buong campus na isa rin akong Yu?—at magkaroon sila ng ideya sa ugnayan natin dalawa?" Giit ko. Wala na kase akong ibang makitang dahilan kung bakit sya nagkakaganito. He looked away. Tinitigan ko sya at hinintay ang kanyang sasabihin pero mukhang wala na syang balak mag salita. “Kung ganoon, don't worry, I will use my surename not yours, kaya hindi nila malalaman…hindi malalaman ni Luisa.” May diin ang pagkakasabi ko sa huling pangungusap.
Nakita ko ang pag putla ng kanyang mukha. Pumihit ako at nag simula nang mag martsa palayo sakanya. Walang duda. Shit! Talagang yun lang ang dahilan kung bakit ayaw nya kong pasalihin sa ms. Intramural. shit!
“Andito na po ko.”
“Kazel? Kamusta ang screening nyo? Nakapasok ka ba?” Excited akong sinalubong ni tita Joy.
“Opo,” Ngiti ko sakanya. “Ako po yung magiging representative ng B.S nursing sa Miss Intramurals.”
“Wow! Congratulations.”
“Salamat po—"
“Sasali ka ng pageant?”
Kinabahan agad ako sa bungad ni papa.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...