Kabanata 43
What's wrong with you
“Of course not!”
Sabay silang humalakhak ng tawa, kaya nagsalubong ang dalawa kong kilay.
“Chill ka lang, binibiro ka lang namin, alam naman namin imposible yung tsismis na yon, halata ngang hindi nyo kilala ang isa’t-isa.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi sa sinabing yon ni Lujille.
“Oo nga, at naisip ko parang ang weird naman kapag nag katuluyan kayong dalawa, mrs Kazel Fei Yu Yu.”
Lalo silang humalakhak, napangiwi ako.
“Bahala nga kayo dyan.” Inis ko ng wika at nag martsa na palayo sakanila.
“Teka, hintayin mo naman kami.”
Naupo kami sa table na di kalayuan sa table ng mga U-Prince. Wala na kaseng choice, dito na lang yung maganda-gandang pwesto. Patalikod sa pwesto nila ang upo ko para mapigilan ko ang pag tingin kay Liam. Apat na bucket agad ng beer ang in-order nila kaya napangiwi ako.
“Hell no!” Bulong ko.
“Oh, Kazel, hindi pa tayo nag i-start lasing ka na agad.” Lalo akong napangiwi sa komento ni Lujille.
Nagsimula na kami sa pag inom. Lumabas ang dila ko nung unang lagok ko pa lang sa boteng iyon.
What the heck!
“Hi Girls.”
Sabay-sabay kami nag angat ng tingin sa dalawang lalaking lumapit samin. Kumunot ang noo ko, hindi sila pamilyar sakin.
“Hi.” Lumaki ang ngisi ni Jassy at Lujille.
“May kasama ba kayong iba?” Tanong nung matangkad at morena na pasimple pa kong tinignan.
“Wala, kaming tatlo lang.” Mabilis na sagot ni Jassy.
“So, if you don't mind baka pwede kaming mag join sainyo?”
“Oo naman.” Si Lujille naman ang sumagot.
Agad itong naupo sa gitna ni Jassy at Lujille, kaya halos lumuwa ang mga mata ko. Ayos din ang lalaking 'to ha? Gusto dalawa pa. Nag angat naman ako ng tingin don sa kasama nya na nakatayo lang sa tapat ng katabing upuan ko.
“Pwede?” Tanong nya na tila ng papaalam sya kung pwede syang maupo roon.
Tumango lang ako sakanya at pinanood sya sa pag upo. Parang mas okay 'tong isang ito. Mukhang mabait at hindi mayabang.
“Hi, I'm Prince.” Nag lahad sya ng palad sa harapan ko.
“Kazel.” Maiksi kong tugon at agad din tinanggap ang palad nya.
Hindi ako nagkamali, talagang mabait sya at madaldal din, may isang oras na yata kaming nag uusap pero hindi parin kami nauubusan ng topic.
“San pala yung school nyo.” Tanong nya.
“CSU.”
“Oh, good university.”
Dun ko na realized na hindi pala kami parehas ng pinapasukan na eskwelahan. Ayos yon. At least, hindi nya talaga kami kilala.
“Cheers.” Sigaw nung Gari na kabigan nitong si Prince.
Sabay-sabay namin niangat ang bote ng beer na nilagok nilang lahat ang beer maliban sakin.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Fanfiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...
