Kabanata 11

749 25 0
                                    

Kabanata 11
Kaya ko naman mag hintay  

Buong gabi, wala akong ginawa kundi mag paikot-ikot sa higaan. Bukas na kase ang kasal naming dalawa ni Liam. Hanggang ngayon talaga, ay hindi parin ako makapaniwala na bukas na talaga ang seremonyang iyon. Hindi ako makatulog, dahil sa takot, hindi dahil sa excitement. Natatakot ako sa mga pwedeng manyareng pag babago, simula bukas.

*Tok-tok!*

Kinusot ko ang aking mga mata ng may marinig akong malakas na katok mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Humihigab kong binuksan ang pintuan.

“Bakit po?”

“Oh my God, Kazel! Bakit hindi ka pa nakakaligo? Pupunta na rito ang make-up artist mo.”

Nanlaki ang mga mata ko, sa natatarantang si tita Joy.

“A-Anong oras na po ba?”

“7:30 na—”

“Po?” Shit!

10 am ang start ng traditional wedding ceremony namin. So it's means may 2 and a half hour na lang ako para gumayak? What the heck!

“S-Sorry tita, maliligo na po ako.”

Kumaripas agad ako ng takbo patungo sa banyo.

So, is she's the bride?” Tanong ng isang Chinese make up artist kay tita Joy

“Yes, she is.”

“She's really pretty.”

“Oh, thank you.” Sabi ko.

“Shall we start.”

Huminga muna ako ng malalim. “Okay, let's start.”

Nag simula ng gumapang ang kaba sa buong sistema ko, nang maisuot ko na ang aking wedding gown. Meron itong piece of square-shape red color silk na may design na peony at phoenix patterns. It represents happiness, vigor, life, and bright dellighted mood in chinese culture. May isinuot rin akong isang mabigat na bagay sa aking ulo na kung tawagin ay chinese phonix coronets. Malaki ang ngisi n Xia Yi na make-up artist at ni tita Joy, habang pinapasadahan ako ng tingin.

“The most beautiful bride, I've ever seen.” Sabi ni Xia Yi, na nag padagdag ng pressure sakin.

Parang jelly'ng nanlambot ang mga tuhod ko, nang mag simula na ang ceremony. I swear, wala akong ibang maramdaman ngayon, kundi kaba. Sobra-sobrang kaba!

Nawala ako sa sariling ulirat, namalayan ko na lang na nasa harapan ko na pala si Liam. Dahan-dahan ko syang pinasadahan ng  tingin. Hindi ko maiwasang humanga sa ka-gwapuhan nya. He's wearing a red chinese trational suit. Hays! Kahit ano talagang isuot nya ay bagay pa rin sakanya, kaya lang... Kaya lang  may isang kulang. Kulang ng saya ang mga mata nya. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Para akong nabunutan ng malaking tinik ng makita ko si tita Joy at tita Karen na parehas umiiyak. Si tito Zheng at Johan na malaki ang ngisi, habang pinapanood kami. Si papa na halos kuminang ang mga mata. All this time, ngayon ko lang sya nakita na ganito kasaya. Napawi ang konting saya ko. Luminga-linga ako at sinubukang hanapin si Kai. Piniga ang puso ko ng hindi ko sya nakita. I swear, naiiyak na talaga ko! Damn it. Sabay kaming naupo ni Liam sa isang maliit na table. Kinuha namin ang tig-isang tea na nakalagay sa isang maliit na cup at sabay namin itong ininom. Saglit akong natigilan ng mag palit na kami ng cup. Sa oras na inumin ko ang tea na ito, na galing sakanya ay magiging isa na lang kami. Iyon ang kasabihin ng tea na ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, saka ko mabilis ininom ang tea. Pag dilat ko ay tumindig ang balahibo ko, ng agad kong maaninaw ang wala paring ekpresyon na mukha ni Liam. Halos nasa huling parte na kami ng traditional wedding ceremony namin, ang pag papalitan ng wedding ring. Ramdam ko ang panlalamig at manginginig ng aking mga kamay. Shit! Sana lang talaga ay matapos na agad ito. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa buong kamay at sistema ko, habang dahan-dahan nyang isinusuot ang singsing sakin daliri. Ang buong akala ko ay tapos na ang ceremony, pero may narinig akong sumigaw ng isang chinese word na hindi ko naman alam ang ibig sabihin.

Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng pag init ng pisngi ko, nang maramdaman ko ang malambot nyang labi saking noo. Nag palakpakan ang lahat.

“Mag pahinga na kayo sa inyong kwarto, siguradong napagod kayo mag hapon.”

Pinag pawisan ako ng malamig, sa sinabi ni papa. Tapos na ang aming wedding ceremony. Oras na para matulog. Matulog sa isang kwarto?

“Dito na lang ako sa couch.” Aniya ng makapasok na kaming dalawa sa aming kwarto.

“Ahmm. O-Okay ka lang ba dyan?” Nanginginig pa ang boses ko shit!

“Okay lang. Mas okay ako dito.” Malamig nyang sabi.

Oo nga naman. Syempre mas pipiliin nyang sa couch na lang matulog kesa sa tabi ko. At bakit ko naman kase naisip na patulungin sya rito? Pinanuod ko sya, habang nakahiga na sya sa couch. Ewan ko, kung tulog na sya. Naka-talikod kase sya sakin kaya hindi ko makita. Nag shower muna ko.

“Shit!” Mura ko ng marealize kong naiwan ko pala sa ibabaw ng kama ang damit at under wear ko.

Mariin kong kinagat ang labi ko. Kainis naman! Halos malibot ko na ang buong c.r sa taranta ko.

“Tulog naman na sya, eh. Okay lang siguro na lumabas ako ng naka-towel?”

OKAY! Huminga ako ng malalim, at dahan-dahan ng binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng madatnan ko syang nakatayo sa tapat ng pintuan nitong c.r.

“Oh my.” gosh!

Halos bumaliktad ako, pag katapos kong madulas roon. Mabilis akong napahawak sa matigas nyang braso ng ipulupot nya ito sa aking baywang. SHEEEET! Uminit ng husto ang pisngi ko, ng marealize ko ang lapit namin sa isa't-isa.

"I'm Sorry." Sabi ko at umayos na sa pag tayo.

"Baka gusto mo munang mag bihis?"

WHAT THE FVCK!

Lalong uminit ang pisngi ko. Agad kong tinampot ang damit at underwear ko sa kama. Pabalik na sana ko sa loob ng c.r, pero lintik nakaharang parin sya roon.

“E-Excuse me...”

Gumilid sya ng konte, para makaraan ako. Nag simula na akong humakbang ng...

“May naiwan ka.”

Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga mata na nakabaling sa kama. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag putla ng mukha ko, nang makita ko ang aking bra na naka-handusay pa roon. Doble ang taranta ko ng damputin ko ito. Hindi ko na nagawa pang tignan ang reaksyon nya, dahil sa hiya ko. Halos kumalabog ang pintuan ng c.r ng isara ko na ito.

PAKSHEEEEEEEEEET! Nakakahiya! Halos mapunit na ang labi ko, dahil sa diin ng pag kagat ko rito. What to do? Pwde bang mahimatay na lang ako ngayon tapos pag gising ko kunware may amnesia na ko, o kaya baka pwedeng mag pakain na lang ako sa lupa? Shit! Please, lupa kainin mo na lang ako, ngayon na! Almost, 30 minutes na yata akong andito sa loob. Lalabas lang ako kapag tulog na sya. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan. Siguro naman tulog na sya, no?

Dahan-dahan kong ibinukas ang pintuan. Nag sintindigan ang mga balahibo ko, nang madatnan ko syang nakaupo sa kama, habang naka-dekwatro sya ng upo at deretso ang tingin sakin.

“Ang akala ko nakatulog ka na dyan sa loob.”

Pinag pawisan agad ako ng malamig.

“Bakit gising ka pa?” Natanong ko ng wala sa sarili

Napa-atras ako, nang humakba sya palapit sakin.

“Mag c-c.r ako, hinihintay lang kitang matapos.”

I looked away. “B-bkit h-hindi mo ako kinatok?”

“Kaya ko naman mag hintay, kaya bat pa kita mamadaliin?”

Pag kasabi nyang yon ay tuluyan na syang  pumasok sa loob. Napatunganga ako, alam kong wala naman'g double meaning yon, pero... pero bat ganito ang nararamdaman ko?
~

To be continue...

Note: Please, don’t forget to vote and comment every chapters. Feel free to comment your question, reaction and suggestion. Thank you

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon