Prologue

5.4K 85 10
                                    

"Killian, kapag naging tayo... Anong itatawag mo sakin?" Nakaupo ako sa tabi nya habang kinukuting-ting ang mwebles ng condo unit nya. Nilingon ko sya ng hindi sya sumagot.

May nakasalpak na headset sa tenga nito at nakapikit pa na akala mo nagpapahinga. Tinignan ko lang sya. Tinitigan. Nagulat ako ng magbukas sya ng mata at boring akong tinitigan. Eer- Tinignan lang pala dahil agad itong nag-iwas ng tingin.

Inilingkis ko ang kamay ko sa braso nya habang sya naman ay unti-unting tinatanggal ang headset nya.

"Killian... May itatanong-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay sinamaan na ako ng tingin.

"Ano na naman ba yon?" Iritadong sambit nya sa akin.

Bakit galit sya? I pout.

"Killian, kapag naging girlfriend mo na ko... Anong tatawag mo sakin?"

He smirked, "Panget." sagot nya.

"Panget? Bakit panget? Palitan mo ang baho ng tawag mo sakin, Killian!" Pagmamaktol ko. Nanatili lang itong nakangisi.

Bwisit.

"Bagay sayo,"

"Sama ng ugali mo!" Pinalo ko sya ng malakas sa bisig nya. Kaya napangibit sya. Wala akong pakialam!

"Hindi magiging tayo," seryosong sabi nito sakin.

I smiled at him. "Magiging tayo, Killian. Itaga mo yan sa dibdib ko!" I point my finger at my chest. Tiwala lang.

"Saan mo itataga? Wala ka namang dibdib. Tss." He rolled his eyes. Awkyut.

Tumayo ito at nagpunta sa paanan ng kama nya. Binuksan ang malaking TV at nanood nalang ng Spongebob.

Sumunod ako. Umupo ako sa tabi nya na may layong kalahating dangkal. I even snaked my arms around him. "Killian... Pst," Tinignan nya ako ng masama. "Chill lang, di kita rerape'in." I deepend the close of my reddish lips. I shrugged.

"Paano kung gusto kitang rape'in?" He smirked. The way he curved his lips in a malicious way makes me feel heatend.

I blush. "H-ha? Rerape'in mo 'ko?"

Ba't parang gusto mo pa, Xamalia?

Hindi talaga ako nababastusan... I find it really cool. Very boyish.

Iniiwas nya ang tingin kasabay ng pagbaklas nya sa yakap ko. "Umalis ka na. May bisita ako." Walang tingin, walang emosyon-Pinapaalis nya ako.

I shrugged. "Yoko. Sinong bisita mo? Babae mo?" Pangungulit ko. Ngunit imbes na sagutin ako ay tumayo ito at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto nya. Ang bad. *crying emoticon* "Babae mo, Killian? Bawal ka ng mambabae! Nandito na ko! Girlfriend mo!" Isinisigaw ko yan sa kanya kahit na nasa labas sya. Sana marinig nya. Sana.

I yawned. Inaantok na ko.

Inilapat ko ang sarili sa malambot na kama ni Killian. Nang maramdaman na komportable na ako sa higa ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagod. Mistulan akong tila naging lanta, i tried to closed my eyes and when i did... Unti-unti na akong nilamon ng antok.

"KANE, Where are you?" Naalimpungatan ako ng may marinig akong tinig ng isang babae. Istorbo naman. Ang sarap-sarap ng tulog ko e- Eh? Boses ng... "Kane? Are you there?" babae nya. Kingina, mapapasabak ata ako sa sabunutan with matching super tornardo slap, back and forth.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama nya. Ngunit napatigil ako... Wait. Nasa paanan lang ako kanina diba? Bakit nakahiga na ako ng ayos sa kama nya? Nakabalot pa sakin yung comforter nya.

I blushed. "Did he..." Ayoko man isipin pero...

Bago ko pa matapos ang sasabihin ay bumukas na ang pintuan ng C.R. at iniluwa non si Killian.

Nanlaki ang mga mata ko ///O_O///

Bakit, Killian? Bakit ka... TOPLESS?? Bakit ang HOT MO?? Bakit kahit may konting taba ka sa tiyan- nag-uumapaw parin ang init.

Agad akong napatalikod at tinakpan ang mga mata ko. Nakakahiya! Do i look like a fangirl drooling over him? Damn. No!

"H'wag kang titingin..." Anito gamit ang mababang boses.

"H-ha?"

"Nakahubo ako," parang bigla akong nabingi sa sinabi nya.

Hubo? Walang saplot? Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Nakaramdam ng exitement.

"Ah-eh labas muna ko, K-Killian. Hehehe." Sabi ko.

Lalakad na sana ako ng pigilan nya ako.

"Nasa labas si Gwen, d'yan ka lang." Atsaka sya naglakad papuntang pintuan habang inaayos ang puting damit na suot.

Gwen? Sino naman kayang babae 'yon?

Agad nyang sinarhan ang pinto ng makalabas sya. Narinig ko yung babae na nagsalita. "Kane, bakit lock yung room mo?" Impit ang boses. Matinis. Nakakainis.

Lumapit ako sa pinto at pinakinggan, "Nagshower lang ako, Gwen." Tsk. Bat ang bait nya don sa Gwen? Sakin, hinde! He's so unfair.

I rolled my eyes.

Inilibot ko ang mata sa buong kwarto nya. Madilim. Binuksan ko ang ilaw at nagliwanag ang kwarto nya.

Very plain. Very boyish. Very him...

Kulay puting ang bed nya, pero yung comforter at pillow case ay kulay navy blue. May wall sa ulunan ng kama nya kung saan kapag patay ang ilaw ay may kulay blue at white na light sa border lines nung wall.

Nang tignan ko ang babang bahagi ng kabuuan ng kwarto nya, imbes na painting ay mga replica ng albums ng idol nya. Mas malaki nga lang. I don't know kung sino sila, basta nakalagay 'Guns n roses' 'Beatles' at marami pa.

Lalaking lalaki ang closet. Lalaking lalaki ang postura ng kwarto nya. Lalaking lalaki sya.

Umupo ako sa kama nya. Nababagot na 'ko. Lalabas na ba ko? Oo naman. Pwede? Oo naman.

Bakit ko ba tinatanong ang sarili ko? Tsk.

Akmang lalabas na ako ng mag-vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko ang side-table nya, i saw my phone vibrating.

I pick it up.

Nagtext si Killian. I felt the exitement in me. This is the first time he texted me. Malawak ang ngiting binuksan ang text message nya, ngunit agad ding napawi.

Killian <3

You can leave now. Don't mess my things there.

Nakaramdam ako ng inis. Disappointed sa nabasa.

Pinatay ko ang ilaw ng kwarto nya. Lumabas ako ng ayos sa condo nya.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon