Hannah Lexi's Point of view
Nakahiga ako sa kama, walang kibo habang si Xavier ay nakayakap sa akin patalikod, nakabaon ang ulo nya sa batok ko. I can feel his breathing and that's makes me feel awkward but still comfortable hugging me tightly.
Hindi ako makatulog, yun ang punto ko kaya't hanggang ngayon ay dilat na dilat ang mata ko. Marahan kong inabot ang phone ko na side-table, medyo malayo yon kaya medyo kinalas ko ang kamay niya na nakadantay sa tiyan ko.
Nagulat ako ng saktong maabot ko ang phone ko ay hinapit ni Xavier ang bahaging bewang ko, marahas iyon ngunit may haplos ng pag-iingat—he hugged me, ngayon ay hindi na ako nakatalikod sa kanya. Maayos akong nakahiga ng tuwid habang ang ulo nya ay nasa batok ko parin, mas malapit sa dibdib ko kaya hindi ako naging kumportable sa ganon. Sinilip ko muna ang oras sa phone ko, It's already 2:00 am and I'm still awake, can't sleep. I sighed. Inayos ko ang ulo nya at inilagay sa unan na nasa uluhan nya. Ngunit bumalik ulit siya.
Gusto ko siyang gisingin ngunit ng makita ang pagod na mukha nito ay parang ayos nalang sa akin na ganoon ang ayos naming dalawa. Marahan kong hinaplos at sinuklay ang buhok nito.
Katulad noon, nahilik parin siya. Ngunit hindi naman iyon malakas, hindi nakakaistorbo. Napangiti ako sa naisip. Reminiscing the past memories is kinda weird but It's so powerful, parang ibinabalik ka sa panahong ang sarap magmahal at umasa.
Ngunit sandali lang 'yon, agad ding nawala sa isip ko. Napalitan ng kasunod ng sarap ay ang sakit na dulot ng lahat, ng pag-iwan ng walang dahilan.
I know his reasons now. Ngunit hindi ko akalaing wala na akong nararamdamang pagkasabik sa bawat paliwanag niya, tanging pagtanggap nalang. Siguro ganon talaga kapag mahal mo pa, you will accept every imperfections and flaws—even his wrong doings and decisions.
I try to sleep. I close my eyes, still closed an hour ago until I fell asleep.
Nagising nalang ako ng may kumukulbit sa ilong ko, pinipisil pa. "Hey, my love… Wake up." Bulong niya sa tapat ng tenga ko.
Late na kong natulog, gusto ko pang matulog. Hindi ko siya pinansin.
"My sleeping beauty, wake up now…" Ipinagpatuloy nito ang ginagawa, wala parin akong response. I'm too lazy and sleepy to move nor say something. Hmm.
"Hannah Lexi, c'mon, I know you're awake." He mentioned. Don't care. I want to sleep, stop pestering me, Xavier! "Psst. Beautiful Hannah Lexi, wake up, please?" Pangungulit nya pa.
Binuksan ko ang kaliwang mata dahil sa maliwanag na paligid—nakakasilaw. "I'm still sleepy, Xavier. Let me sleep longer, will you?" Ani ko bago ko siya tinalikuran, I even cover my entire body a comforter to feel some comfort.
I heard him sighed. "I'm hungry, Hannah Lexi. Feed me, first." Napangiti ako ng marinig ko na naman ang namiss kong 'babytalk ni Xavier' ang arte arte nya.
"You can cook. Wag mo muna 'kong guluhin…" Nang sabihin ko 'yon ay buntong-hininga nalang niya ang narinig ko. I continue sleeping peacefully. Yon ang kailangan ko ngayon.
Akala ko ay makukuha ko na ang gusto ko. Nagkamali ako. Maya-maya pa ay nagsimula na namang mangulit si Xavier. Kinikiliti na nya ako ngayon, porket alam nya kung nasaan ang kiliti ko.
Marahas akong bumangon at nakangusong tumingin sa kanya. Gulo-gulo pa ang buhok ko, may muta pa ata ako at syempre… Bad breath.
"Oh, edi gising ka… kailangan lang pala ng daliri ko para mapatayo ka dyan e." Pang-aasar nya na agad na sinundan ng halakhak. Lalo akong nainis.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)