Alessia Xamalia's Point of view
Nakahiga ako sa kama. Nakahiga sya sa comforter kung saan dapat ay matutulog ako. Kanina... Nang yakapin nya ako sa likod ay literal na nawala ako sa pag-iisip. Hindi ko alam ang gagawin ko. Itutulak ko ba sya palayo? Hahayaan ko ba sya dahil hiniling nya? When I heard his voice needy, hinayaan ko sya. I let him hugged me. And I don't know kung tama 'yon.
At ngayon, habang nakahiga ako sa malambot na kamang ito ay naiisip ko sya. Kumportable kaya sya sa hinihigaan nya? Unti-unti ay napagtanto ko na ang ginagawa ngayon, dahan-dahan akong umiisod upang makarating sa edge ng kama kung nasaan siya.
I deeply close my eyes. Ano ba 'tong ginagawa ko? Binuksan ko ang mata at inangat ang sarili mula sa pagkakahiga, sinilip ko sya- Kita ko ang paglitaw ng ulo nya sa kama, nauna sya.
"Ano yun?" Playful smile and eyes, I silently smiled. "May kailangan ka? Gusto mo bang lumabas?"
Inayos ko ang comporter at hindi nagpahalata sa gulat. Bumalik ako sa ayos ng higa ko, tinignan ko sya. "Hmm? Hindi na, inaantok na ko. Ikaw nalang kung gusto mo." My lips is deeply close, force myself not to smile.
Ipinatong nya ang baba nya sa kama, he pout. "I'm not yet sleepy." Pagmamaktol nya pa na ang cute sa paningin ko.
"I'm sleepy."
Natahimik sya at nawala ang kaninang ekspresyon nya, napalitan ito ng kakaibang emosyon na hindi ko gustong makita.
Napabuntong-hininga sya at pilit na ngumiti sa akin. "Okay, okay... Bukas nalang tayo lumabas." Sabi nya bago sya humiga sa comforter nya.
I cover myself a comforter atsaka tumalikod sa kanya. Gusto ko ng matulog, totoo. Pero hindi ko ata kayang matulog ngayon dahil may bumabagabag sa utak ko.
His needy voice, his disappointed look and his fake smile continue to bother my head. Pinilit kong matulog ngunit walang nangyari, hindi parin ako makatulog.
Ipinilig ko sa kabila ang ulo ko. Nagulat ako ng makita ko siyang naka-salong baba sa kama ko, magiliw na nakangiti sa akin. "Hindi ka makatulog? Gusto mo tabihan kita?" Pang-aasar niya. Pilit kong hindi pinahalata ang pagkainis ko, nanatili akong normal.
"Inaantok na nga 'ko, e. Napapaling lang ako..." depensa ko.
"Baka lang naman gusto mo ng may katabi, tutulog lang naman tayo e..."
Kumunot ang noo ko. "Oo naman. Tutulog lang." Sagot ko.
Sumilay ang magandang ngiti nito. Mas lumapit ang mukha nya sa akin, unti-unti... "So, you don't mind sharing your bed with me?" Tumaas ang kilay nito.
Napalunok ako ng dalawang beses ng mapagtanto ang lapit ng mukha nya sa akin. "O-oo naman," Pagkasabi ko non ay agad itong dumukwang upang tumalon sa kama. At ngayon, nakahiga na siya sa tabi ko. Nakadapa at nakatingin sa akin, nakangiti.
Bigla syang ngumiwi at hinawakan ang balakang nya, "Ang sakit pala sa likod matulog sa sahig. Ang tigas." Komento nya. Napapangiti nalang ako sa naging reaksyon nya.
Lumipas ang mahigit kalahating oras ay hindi parin kami makatulog, nanatili sya sa pwesto nya at ako naman ay maayos na nakahiga ng tuwid.