Alessia Xamalia's Point of view
Bubuksan ko na sana ang ilaw nang may humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko ng panyo. Rinig ko ang boses nila pero hindi ko mawari kung sino ang mga taong ito. Nagpumiglas ako hanggang sa mailabas na nila ako sa condo ko. Madilim ang hallway na kanina ay may ilaw pa, may naglagay din ng piring sa mata ko.
Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Nagpa-panic na ako, hindi ko na alam ang dapat na gawin. Kung kailangan ko bang sumigaw o ano. Gusto kong sumigaw, hindi ko lang magawa dahil sa nakatabon na panyo sa bibig ko.
Naramdaman kong tumigil sila at may binuksang pinto. Ipinasok nila ako doon. Nang medyo lumuwag ang hawak sa bandang bibig ko ay nagawa kong magsalita
"S-Sino kayo? Anong … kailangan n'yo sa 'kin?" My eyes watered. I don't know them. I'm scared. Anong gagawin nila sa akin?
Hindi na ako makapag-isip ng matino. Nababalot na ng kaba at takot ang dibdib ko, naninikip at hindi na makahinga ng ayos.
I heard them laughed. Damn. Creepy.
"Pakawalan n'yo na 'ko, please." Pinaupo nila ako sa sofa, wari ko'y nasa living room kami.
"Kuya, please… natatakot na 'ko."
Madilim ang paligid. Wala akong mababakas na kahit ano, wala akong makita kundi kadiliman.
"Nako, patay tayo do'n. Natakot 'ata natin,"
"Tawa ka kasi ng tawa, eh!"
"Tsk. Shut the f*ck of your mouth, you two!"
"Tumulong lang ako!"
"Tumahimik kayo sabi, eh!"
Pamilyar ang boses nila, ngunit hindi ko pa rin kilala. Masyadong mahina ang boses nila. Kanina ay narinig ko ang boses ni Fausto, hindi pa rin ako sigurado.
"Paalisin n'yo na po ako, please!" I pleaded. Hindi ko na naiwasang umiyak.
Natatakot na talaga ako.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang ilaw. Sumalubong sa mata ko ang apat na lalaking nakasuot ng puting t-shirt. 'Happy 1st monthsary, baby.' ang nakalagay sa damit nilang dalawa.
Nakangibit sila sa akin. Si Fausto, Rex, Lanzer at Drago. Mabilis kong pinahidan ang luha sa mga mata ko, nakakahiya naman 'to.
I examine the whole living room, there's a lot of heart shape balloon around, and then when I turn my presence to the right… I saw him there, wearing a nice velvet suit with matching velvet tie and black pants. Halos muntik na akong mapanganga sa kagwapuhan niya. Is he even real? He's also wearing black specs and his hair is nicely parted. He's so handsome and classic. Oh, I guess, I forgot to breathe?
Parang biglang napalitan ng kaginhawaan ang pakiramdam ko ng makita ko siya roon, gwapong-gwapo sa suot niya.
"Turn on the f*cking stereo, Fausto. Fuck." Mariing bulong niya kay Fausto pero rinig ko.
Dali-dali namang may pinindot si Fausto at tumunog na ang paborito kong kanta. Mundo…
Lumapit siya habang nakatingin sa aking mga mata. Inilahad niya ang kamay niya sa akin, walang pag-aalinlangan ko iyong tinanggap. Dumas na ako at sumama sa kanya. The emotion of his eyes is too much, nag-iwas ako ng tingin dahil medyo may naiwan pang luha sa mata ko. But when he finally reach my figure, he immediately place his both hand on my waist, cornering me. And he grab it gently. Masyado ata akong nadala kaya napasubsob na ako sa kanya. Pinamulahan ako ng mukha sa naisip, ang lapit naming dalawa. Napansin niya ang pagkatulala ko. Siya na ang naglagay ng kamay ko sa balikat niya.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)